Kabanata 152 KEI was so pissed at himself. Sunod-sunod siyang napamura sa kanyang sarili. Kinabig niya ang manibela at iginilid saglit ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Galit niyang napalo ang manibela. He was so guilty seeing Kristina like that. He cried as he remembered Kristina's face, full in pain. Parang bigla siyang nagsisisi kung bakit niya ginawa iyon kay Kristina. Ngunit hindi naman siya titigilan ni Monika kung hindi niya ginawa iyon. Malalagay lalo sa panganib si Kristina sa oras na sumuway siya sa usapan nilang dalawa ni Monika. Marahas siyang napabuga ng hangin at nakuyom ang kanyang mga kamao. Bigla namang nag-ring ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito agad. It's from Monika dahil tandang-tanda niya na ang numerong ginagamit nito. "Now, what the hell do you

