Kabanata 153 PAGKATAPOS ng kanyang check up ay umuwi na sila ng bahay kasama sina Daisy at Maya. "Puwede bang paki-empaki ng mga gamit ko, Maya at Daisy," utos niya nang nasa kuwarto na sila. "Ano po, ma'am Kristina? Bakit po? Aalis din po ba kayo?" gulat naman na tanong ni Maya sa kanya. Marahas siyang napabuga ng hangin. Muli na namang bumagsak ang mga luha niya ngunit agad din naman niyang pinahiran ang magkabila niyang pisngi. Hindi siya dapat panghinaan ng loob ngayon. Hindi na siya dapat umiyak ng husto. May rason na siya para maging matatag. Mariin siyang napalunok. "Aalis tayo. Isasama ko kayong dalawa. Masiyado na kasing masakit para sa akin ang manatili pa rito. At makakasama iyon sa kalagayan ng mga anak ko. Kaya sige na, tulungan niyo na akong mag-empaki. Pagkatapos niy

