Kabanata 154 GABI na nang matapos sila nina Maya at Daisy sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Gustuhin niya rin sanang tulungan ang mga ito ngunit mabilis pa sa alas quatro kung tumanggi ang dalawa. Sobrang caring at thoughtful ng mga ito sa kanya. Talagang hindi siya hinahayaang mapagod ng mga ito. Since she was bored, tinrabaho niya na lamang ang kanyang natitira pang gawain na school paperworks. Mabuti na lang talaga at dala niya ang kanyang printer. Magiging sobrang hassle iyon para sa kanya kung wala siyag gagamitin habang nandito siya sa rest house. Habang busy siya sa ginagawa niya ay bigla namang nag-ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa bag at tiningnan kung sino ang kanyang caller. It was Sandra. Marahil ay nagtataka ito kung bakit hindi siya pumasok kaninang umaga

