15 – Summer Heart 2.0 Alexander’s Point of View I still couldn’t get over it. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang naging reaksyon ni Heart. Hindi ko rin maalis ang guilt na nararamdaman ko habang inaalala kung paano siya umiyak dahil sa sakit at hapdi; kung paano siya magalit sa akin matapos niyang malaman ang tungkol sa bet naming magkakaibigan. But above all, hindi ko mapigilang mag-alala sa perang mawawala at sa ipapagawa ng mga kaibigan ko sa akin sa oras na ako ang matalo sa pustahan. Siguro sa pera, kaya ko pa, pero sa ipapagawa nila? No. I can’t. I can’t get married. Never. Napabuga na lang ako ng hangin bago humiga sa kama sabay kuha ng cellphone ko para tawagan si Heart pero hindi ko siya ma-contact. I tried to call her again but she’s unavailable. Nakagat ko n

