18 – Hints Summer’s Point of View Pansin ko pa rin ang tinginan ng ibang empleyado sa akin pagkapasok ko ng company building. Siguro’y hindi pa rin sila makapaniwala na ako at ang Summer na kilala nila ay iisa. Makailang beses na akong nasabihan na ang laki raw ng pinagbago ko—na gumanda raw ako sa ayos kong ‘to. Doon pa lang napatunayan ko nang pangit talaga ang tingin nila sa akin noon. Hindi ko na lang pinahalata sa kanila na naiilang ako sa mga tingin nila. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may elevator. Pagkabukas nito ay agad na akong pumasok. Naghintay akong may sasabay sa akin, pero mukhang wala na kaya pinindot ko na ang button. Pero bago ito tuluyang magsara ay biglang may paang sumingit. Pagtingin ko kung sino ay si Sir Anton pala. “Good mornin

