"Ipaghahanda ko na po ba kayo ng tanghalian?' Tanong sa kanya ng kasambahay nang magtungo siya sa kusina. Wala siyang ibang kasama sa loob ng bahay kung di ang dalawang kasambahay na iniwan ni Akio para makasama siya. Wala pa si Akio at nasa Sta Lucia ito. Nagsabi naman ito sa kanya na babalik ito mamayang gabi. Hindi lang siya sigurado kung totoo. Mahigpit siyang pinagbilinan ni Akio na huwag ng magtangkang tumakas. Hindi naman niya iyon gagawin pa. Kahit gusto niyang tumakas at iligtas ang kanyang sarili, hindi naman niya magagawa pa, dahil kapalit non ang kapahamakan ng kanyang kapatid. Ok na na siya na lang ang mahirapan. "Mamaya na lang po. Kukuha lang po sana ako ng tubig," tugon niya. "Ikukuha ko na lang po kayo," saad ng kasambahay na mabilis ng kumilos para ikuha siya ng tubig