Pagbalik niya ng Sta Lucia sa bahay ng kanyang Mama siya unang tumuloy para kumustahin ang mga ito. Habang nasa Tagaytay kasi siya panay ang tawag at text sa kanya ng bunso niyang kapatid para sabihin kung anong problema na naman ang meron sa bahay nila lalo na sa Ate Alexa niya. Iniwan niya si Celina sa rest house, tiwala siyang hindi ito tatakas at aalis ng bahay. Alam niyanh alam ni Celina ang mangyayari pag nagtangka pa itong tumakas. "Asaan ba daw si Pao?' Tanong niya kay April habang nag memeryenda silang tatlo sa may Gazebo kasama ang Mama nila. Nasa bahay na nila ang Ate Alexa niya at patuloy pa ring nagpapagaling. Nabanggit pa ni April na muli na naman daw nagtangkang magpakamatay ang Ate niya buti na lang daw ang nahagapan ng nurse na nagbabantay rito. Siya na ang nagdesisyon