"Damn it!" Malakas na mura ni Akio matapos nitong maka usap ang abogado nito na may hawak sa kaso ni Pao. "Akio, why?" Nag-aalalang tanong niya sa asawa habang sakay na sila ng kotse nito pabalik sa bahay nila. Tapos na ang pakikipag usap nila sa pamilya ng kanyang asawa. Bahala na ang mga ito ngayon kung tatanggapin siya bilang asawa ni Akio o hindi. Sa ngayon hindi na iyon mahalaga sa kanya ang mahalaga napanindigan siya ng asawa sa mga ito. Nakipaglaban siya ng asawa sa pamilya nitong may ayaw sa kanya. "Nakapag piyansa daw si Pao kahapon pa at malaya na ito," tugon sa kanya ni Akio. "What?" Bulalas niya dahil alam niyang delikado sila ng asawa ngayon sa paglaya ni Pao dahil tiyak na babalikan sila ng lalaking iyon. Pinagpasalamat niyang wala na sa bansa si Pamela at malayo na ang