Kabado siya na para bang sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang kaba habang nakaupo siya sa sofa kaharap ang Mama ni Akio. Nakaupo rin si Akio sa tabi niya at hindi nito binibitiwan ang kanyang kamay. Silang tatlo lang sa loob ng library, hindi na sinama ng Mama ni Akio ang dalawang kapatid ng asawa niya dahil sa walang tigil na pagbunganga ng mga ito. Hindi nga niya alam kung bakit ayaw sa kanya ng mga ito. Ramdam niya ang inis at pagka disgusto ng dalawang kapatid ni Akio sa kanya. Harap-harapan pa nga ang pambabastos sa kanya ng bunsong kapatid ng asawa na si April, dahil sinabi nitong si Janine ang nababagay sa Kuya Akio nito at hindi siya. Si Janine ang sinasabi ni Akio na babaing kasama nito sa ospital ng makita ito. Ang pamilya lang ng asawa niya ang may gusto kay Janine at hindi