Chapter-86

1503 Words

Natulala siya sa sinabi ni Celina kanya. Nanatili siyang nakatitig sa mga mata nito, hinihintay ang susunod na sasabihin pa nito. Nais niyang marinig rito muli ang sinabi nito para makumpirma kung tama ba ang narinig niya sa asawa. "Buntis ako Akio. Hindi naman siguro nakakabigla iyon sa iyo dahil mas may alam ka sa akin pagdating sa ganitong bagay," saad pa sa kanya ni Celina habang wala pa ring salitang lumalabas sa kanyang bibig dahil sa pagkagulat at hindi malaman kung ano ang tamang sasabihin sa asawa. "Buntis ako-" hindi na niya hinayaan pang matapos pa ni Celina ang sasabihin nito. Sa kawalan niya ng sasabihin sa asawa sinunggaban na lang niya ang labi nito para halikan iyon. Isang linggo na niyang hindi nahahalikan ang labi ng asawa, kaya ganito na lang siya kasabik na mahalikan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD