"Celina, hindi ko alam na darating ka,' Akio said. Mabilis din itong kumilos para bawasan ang mga nakakalat sa sahig. Pero ni hindi nito naisipan takpan ang hubad nitong katawan, na para bang sadya nitong pinapakita sa kanya ang magand nitong katawan. Kahit anong pigil naman niya sa mga mata niya may sariling isip na sumusunod pa rin kay Akio. "Hihintayin na lang kita sa labas Akio, doon na lang tayo mag usap," saad niya. Kung mananatili pa kasi siya sa loob ng silid kasama ang asawa ay baka hindi na niya makontrol ang sarili at siya na mismo ang gumawa ng paraan para may mangyari sa kanila ng asawa. Buntis siya kaya normal sa kanya ang medyo extra h*rny, pero may pride siya. Hindu niya nais ibaba ng ganun-ganon na lang ang pride niya sa asawa. "Ah.. Sige, Celina. Magbibihis lang ako,"