"Ano? Nagkamali ka ng taong pinadukot?" Bulalas sa kanya ni Mark nang sadyahin ang kaibigan para sabihin na hindi muna matutuloy ang kasal nila ni Celina. Inamin niya ang tunay na dahilan sa kaibigan na maling tao pala ang kanyang ginagantihan. "Yes, Mark. Hindi si Celina ang mistress ni Pao kung di ang kapatid nito na siang sixteen years old lang," inis niyang tugon sa kaibigan. Hindi niya ala kung ano ang mararamdaman nang malaman niyang hindi si Celina ang mistress na sumira sa relasyon ng Ate niya at asawa nito. Na hindi si Celina ang dahilan ng pinagdadaanan ng kanyang kapatid ngayon. Naroon kasi ang pakiramdam na natuwa siya dahil hindi masamang babae si Celina. Pero naroon din ang panghihinayang dahil hindi niya ito mapapakasalan agad-agad, dahil wala naman itong kinalaman sa kasa