"Sh*t!' Mura niya nang mawalan ng malay si Celina sa mga bisig niya. "Celina," tawag niya sa dalaga sabay yugyog pa sa balikat nito. Kaya lang mukhang nakatulog na rin sa lakas ng tama rito ng alak. Kung bakit naman kasi pinilit nitong uminom hindi naman pala nito kaya. "Celina!" Muli niyang tawag sa dalaga pero hindi pa rin ito nagigising. Napailing na lang siya ng ulo at nagbuga ng hangin. Mukhang magbubuhat na naman siya. Kung bakit naman kasi nakisali pa ito sa pag inom niya, imbes tuloy na ma relax siya eh mukhang ma stress na naman siya. "B*llsh*t!' Mura niya matapos titigan ang magandang mukha ni Celina na nakasubsob sa may dibdib niya. Sino bang hindi mapapamura sa ganda nito. Mariin niyang pinikit ang mga mata at nagbuga ng hangin. Kailangan niyang ikalma ang kanyang sarili, l