Kanina pa nakaalis ng bahay si Akio at kanina pa rin siya hindi mapakali. Kailangan na daw kasi nito ang sagot niya. Pinapag desisyon na siya ni Akio kung magpapakasal siya rito o ano. Wala naman na siyang pupuntahan pa. Magpapakasal na lang rito para matapos na ang gulo. At least hindi na mapahamak pa si Pamela. Iyon nga lang sigurado na ba siyang hindi nga mapapahamak si Pamela? Paano kung malaman ni Akio na hindi siya ang tunay na mistress ni Pao? Paano na? Anong gagawin sa kanya ni Akio? "Damn it!" Mur niya habang palakad-lakad sa loob ng kanyang silid at nginangatngat ang kanyang kuko. Ganito siya sa tuwing na te-tense at sobrang stress na ang kanyang nararamdaman. "Kung magpapakasal na ko kay Akio at malaman niyang hindi ako ang mistress. May guarantee na na hindi na nito gagantih