Halos kaladkarin na siya ni Akio paalis ng rooftop iniwan si Mark na duguan sa suntok ni Akio. "Bitiwan mo ko Akio, nasasaktan ako!" Saad niya sa asawa na deretso lang sa lakad at walang pakialam sa kanya kung nasasaktan siya nito. Nagagalit ito ng walang dahilan. Nagwawala ito sa maling akala nito at sinasaktan siya nito dahil sa matinding selos nito kay Mayor Mark. Pagdating sa elevator tinulak naman siya ni Akio papasok sa loob sa lakas ng pakakatulak sa kanya ng asawa pakiramdam niya tumilapon siya sa papasok sa loob at nasaktan pa ng tumama ang siko niya sa hawakan sa loob. Ganoon pa man hindi siya nagreklamo sa asawa, hindi naman kasi mahalaga iyon, ang mahalaga at makapag paliwanag siya sa asawa niya na ano man ang iniisip nito sa kanila ni Mark ay mali. "Akio mali ka ng iniisip