"Get off, Akio! Ano bang ginagawa mo! Alisin mo ito!" Sigaw ni Celina habang nakatingin siya sa asawa na pinosas niya sa headboard. Hindi niya alam kung ba ang iniisip niya at bakit nagawa niya ang ganito sa asawa. Masyado siyang nilamon ng kanyang selos dahil sumama ang asawa kay Mayor Mark sa rooftop. Wala itong tigil sa pagsigaw at panlalaban sa pagnanais na makawala. Mali ang ginagawa niya sa asawa. Kahit ano pa ang kasalanan nito hindi niya ito dapat saktan pa. "Damn it!' Mura niya at mabilis na umalis sa pagkakaibabaw sa katawan ng asawa. "Pakawalan mo ko Akio! Hindi mo pwedeng gawin sa akin ito, baka nakakalimutan mo asawa mo ko at hindi kung sinong babae mo lang!" Tili pa nito sa kanya. Totoo ang sinabi nito, kaya nga hindi niya kayang ituloy ang ano mang balak niyang gawin sa