Nagising siya na wala pa rin si Akio sa tabi niya. Magdamang niyang hinintay ang asawa na makauwi galing sa ospital dahil sinugod daw ang Mama nito sa ospital. Umabot na nga siya ng madaling araw sa kahihintay sa pag uwi ng asawa pero hindi ito umuwi, hanggang sa mag umaga na at nagising na siya wala pa rin ang asawa. May sarili rin silang gulo ng asawa na dapat sanang ayusin, pero syempre Mama pa rin nito ang dapat nitong unahin. Iyon nga lang hindi niya maiwasang makaramdam ng sama ng loob sa asawa niya, dahil parang hindi siya nito asawa basta na lang siya nito iniwan sa bahay, at hindi man lang sinama sa ospital. Oo nga pala hindi pa alam ng pamilya ni Akio na may asawa na ito na nagpakasal na sila. Ang dami na nilang ginawa ni Akio, pero hanggang ngayon hindi pa rin siya maiharap n