Pagdating sa bahay hindi niya nadatnan si Celina sa silid nila kung saan niya iniwan ito. Wala rin ang asawa sa buong bahay. Nang tanungin niya ang mga kasambahay sinabing maaga daw umalis ng bahay ang asawa niya. Hindi naman daw nagsabi ang asawa kung saan ito pupunta, kaya walang idea ang mga kasambahay kung nasaan ngayon ang asawan niya. Sinubukan naman niyang tawagan si Celina, pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Maraming beses na niyang sinubukang tawagan ang asawa pero wala pa rin. Wala din sagot ang asawa sa mga text niya rito. "Calm down, Akio. Babalik siya, baka may binili lang sa labas o di kaya umuwi sa bahay ng Mommy niya,' bulong niya sa sarili. Hindi muna siya nag panic at kinalma ang sarili kahit na kabado na siya at kunh anu-ano na ang kanyang naiisip na baka d