Dahil sa kalagayan niya hindi na muna siya pumapasok sa university. Nakiusap siyang mag online class na muna at buti naman pinayagan siya. Sa company naman nila ganun din ang ginawa niya nakikipag communicate na muna siya sa mga tauhan niya via email. Kailangan muna niyang magtago kay Akio hanggang sa makapag isip siya ng tama niyang gawin sa sitwasyon niya. Ang kaibigan niyang si Sanya ang tanging nakakaalam sa pinagdadaanan niya ngayon. Kailangan din kasi niya ng makakausap baka bumigay ang mental health niya at hindi iyon makakabuti sa pinagbubuntis niya. Panay tawag at text sa kanya ng asawa pero ni isa wala siyang sinasagot. Hindi pa siya handa sa ngayon. Tatlong araw pa lang naman ang nakakalipas mula nang makita ang asawa sa ospital na may kasamang babae. Sweet ang dalawa kaya hind