"Kuya? Lasing ka ba?" Gulat na tanong ni April sa kanya nang pumunta siya sa bahay nila dahil may dinner daw. Ilang araw na rin kasing nakalabas ang Mama niya sa ospital at isang linggo ng nawawala ang asawa niya. Ginugul na niya ang lahat ng kanyang oras sa paghahanap kay Celina pero wala pa rin hindi pa rin niya mahanap ang asawa. Nag leave muna siya sa trabaho para hanapin ang asawa, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ito nahahanap. Nagbabalik-balik siya sa university at nagtanong-tanong kung pumapasok so Celina at sinasabi ng nakakakilala sa asawa niya ay hindi daw ito pumapasok sa university at walang idea ang mga ito kung nasaan ito at ano ang nangyari. Sa kompanya naman nito ay ayaw siyang papasukin. Mahigpit daw kasi ang bilin na huwag siyang papasukin doon. Duda niyang naroon