"Anong kailangan ni Mark?" Tanong ni Celina sa kanya nang pumasok na siya sa kanilang silid. Kaaalis lang ni Mark kaya umakyat na siya pasa samahan ang asawa niya. Sa loob lamang ng isang buong araw nakaparaming nangyari sa kanila ng asawa. Nagkaayos sila good news na iyon. Naiharap na niya ang asawa sa pamilya niya. Sadyang hindi natapos ang buong araw na wala silang magiging problemang mag asawa. Ganoon pa man ang mahalaga bumalik na ang asawa sa bahay nila at magkasama nila. Kahit ano pang problema ay kaya na nilang harapin. Tahimik siyang lumakad palapit sa asawa at niyakap ito ng mahigpit. "Akio," tawag nito sa kanya. "Hayaan mong yakapin kita ng mahigpit Celina," bulong niya sa asawa. Hindi naman ito tumugon bagkos niyakap din siya nito ng mahigpit at hinayaang isandal ang ulo sa