Nagtaka siya nang halikan ni Akio ang kanyang labi. Hindi kasi ganitong pag halik ang inaasahan niyang gagawin ni Akio sa kanya, dahil nga bastos ito at katawan lang niya ang habol nito sa kanya. Maingat ang pag galaw ng labi nito habang angkin ang kanyang labi. Napakaingat nito na para bang ayaw nitong masaktan ang kanyang labi. Wala siyang maramdaman na ano mang kabastusan o pananamantala sa ginagawa ni Akio na paghalik sa kanya. Hindi nga niya namalayan na napapikit na pala siya ng mga mata at ini enjoy na niya ang halik nito. Wala siyang maipagkukumpara sa halik ni Akio sa kanya, dahil ito pa lang ang lalaking humalik sa kanya at masasabi niyang nagustuhan niya ang paghalik nito sa kanya. Nagising ang kanyang init sa katawan partikular sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Kung ganit