Chapter-2

1812 Words
"Bakit ano na naman ba ang nangyari at ang aga akong pinapunta ni Mama dito?" Tanong niya sa Mayordoma na sumalubong sa kanya sa pintuan. "Eh, sir hindi ko po alam eh. Pero nariyan rin po si Ma'am Alexa sa loob," tugon ng kasambahay sa kanya. "What? Pati si Ate Alexa narito na rin?" Kunot noong tanong niya. "Opo Sir," tugon ng kasambahay. "This is not good," bulong niya. "Eh nasaan ba sila?" He asked. "Nasa komedor na po," tugon ng kasambahay. Agad naman siyang lumakad patungo sa komedor kung saan naroon ang Mama niya at dalawang kapatid. Tatlo silang magkakapatid at siya lang ang tanging lalake. Babae ang panganay nila si Ate Alexa, siya naman ang sumunod at bunso nila si April na nasa kolehiyo pa lang ngayon. May asawa naman na ang Ate Alexa niya si Pao, last year lang kinasal ang dalawa at wala pang anak ang mga ito. Aware siya na sakit ng ulo ng Ate Alexa niya ang asawa nitong si Pao dahil sa pambabae nito. "Kuya Akio," tawag sa kanya ni April na unang nakakita sa pagpasok niya sa komedor. Tumayo pa ang kapatid at tumakbo palapit sa kanya para mayakap siya. "I missed you, Kuya, buti na lang at dumating ka," April said. "Missed you too, April," tugon niya sa kapatid. Malambing sa kanya ang bunsong kapatid hindi katulad ng Ate Alexa niya na tatlong taon lang naman ang agwat nito sa kanya pero never silang naging close nito, hindi katulad ni April na limang taon ang agwat nila pero super close silang magkapatid. "Mabuti at dumating ka Akio," saad ng Mama niya habang palapit na sila ni April sa mesa kung saan nakaahin ang ibat-ibang pagkain sa mesa. "Ano po ba ang meron?" He asked at sinulyapan ang Ate Alexa niya na nakaupo sa harap ng mesa at nakayuko ang ulo. Lumapit siya sa ina para batiin ito at halikan sa pisngi. Saka muling sinulyapan ang Ate niya na lalo pang nagyuko ng ulo. "Maupo ka na muna at kumain," saad ng ina. "Good morning, Ate Alexa," bati niya sa kapatid at naupo sa tabi ni April kaharap si Alexa. Kunot noo niyang sinulyapan at hinuhuli ang mukha ng kapatid na tila ba sadya nitong iniiwas sa kanya ang mukha. "Akio, kumusta naman ang trabaho mo sa opisina? Nagkikita ba kayo ng Papa mo?" Tanong ng Mama niya sa kanya. Nalipat ang atensyon niya sa ina. "Ayos naman po Ma. Opo nagkikita naman po kami. Pero sa ngayon po umalis si Papa kasama ang bago niyang asawa," tugon niya sa ina. Nakita niya ang lungkot sa magandang mukha ng Mama niya. Tatlong taon ng hiwalay ang mga magulang nila. May bago ng pamilya ang Daddy niya. Although hindi pa iyon napapakasalan ng Papa niya eh nagsasama naman na ng legal ang dalawa. Maganda at bata ang pinalit ng kanyang Papa sa Mama niya. Pero sa pagkakaalam niya may dalawang anak na ang bagong kinakasama ng ama. Ganoon pa man mukhang masaya naman ang Papa niya, dahil maaliwalas ang mukha nito sa tuwing nagkikita sila sa opisina. Parang bumata nga rin, mukhang hiyang nito ang bagong kinakasama. Mula ng maghiwalay ang kanilang mga magulang bumukod na rin siya. Umalis na siya sa bahay nila, dahil pakiramdam niya sa kanya iniwan ng Papa niya ang lahat ng obligasyon nito sa pamilya. Siya kasi lagi ang nag-aasikaso sa mga kailangan sa bahay, kahit hindi naman siya ang panganay. Matinding kalungkutan kase ang dinulot sa Mama niya ang pag iwan ng Papa niya sa kanila. Akala nga niya noon mamamatay na sa kalungkutan ang Mama niya. Buti naman at hanggang ngayon ay buhay pa ang ina. Sa penthouse niya piniling tumira mula ng umalis sa bahay nila. Ang Papa kasi niya ang nagmamay-ari sa isang kilalang hotel sa bayan nila. Isama pa ang ibat-ibang negosyo nito na may access din naman silang mga anak nito. Kahit na may kinakasama ng iba ang Papa niya, sila pa ring mga anak nito ang nagpapatakbo sa mga negosyo nito. Although may sarili rin siyang negosyo. Mga bar ang naisipan niyang ipatayo mula pa noon, kaya naman nakarami na siyang bar, bawat bayan yata meron na siyang tig isang bar at masaya na siya sa nararating ng kanyang sariling negosyo. "Paki kumusta mo na lang ako sa kanya," saad pa ng ina. "Opo Ma," tugon niya sa ina. Kakain na sana siya nang madako ang kanyang mga mata sa Ate Alexa niya. Napakunot ang noo niya nang makitang may pasa ang kapatid sa mukha. "Anak ng!" Galit na saad niya at binalibag ang hawak na kutsara na kinagulat pa ng mga kasama niya sa mesa even his Ate Alexa na tuluyan ng nag angat ng mukha at tumingin sa kanya. "Ano iyan ah? Binubugbog ka na rin ba ngayon ng gag*ng iyon?!" Galit niyang tanong sa kapatid. Napatayo pa siya sa galit nang makitang tuluyan ang pasa ng kapatid sa mukha. "Kuya," pigil sa kanya ni April. "Akio, maupo ka muna. Iyan ang pag-uusapan natin kaya kita pinapunta dito," saad ng ina sa kanya. "What? Bakit Ate hinahayaan mo lang bang saktan ka ng gag* mong asawa?!" Galit niyang tanong sa kapatid. "Kumalma ka muna Akio," saad ng Mama niya. "Kuya, please. Listen first," saad ni April sa kanya. Humugot naman siya ng malalim na paghinga at sinulyapan ang Ate Alexa niya na walang kibong nakatingin sa kanya. "Damn it!" Galit niyang mura at binagsak paupo ang sarili sa upuan. "Noong una pa lang alam ko na na hindi si Pao ang lalaking para sa iyo Ate Alexa," mariing saad niya sabay suntok pa sa mesa sa sobrang galit na kanyang nararamdaman. Mula ng iwan sila ng Papa nila, pati ang obligasyon nito sa dalawang kapatid niyang babae at napunta na sa kanya. Iyon nga lang sa tingin niya he failed. Dahil hindi niya nailayo ang Ate Alexa niya sa Pao na iyon. Hindi niya naprotektahan ang kapatid. "Ano bang nangyari ah Ate? Nambabae na naman iyang asawa mo at nang mahuli mo siya pa ang galit!" Galit niyang saad. "Akio!" Saway ng Mama niya. "Huwag ka naman ganyang magsalita sa Ate mo!" Saad pa nito. "Ma, sa simula pa lang binalaan ko na si Ate na hindi mabuting lalaki ang Pao na iyon! Pero ano? Hindi siya nakinig!" Galit niyang saad. "Huwag mong sisihin ang kapatid mo Akio!" Mariing saad ng ina. "Eh sino ba ang dapat sisihin dito ah Ma? Eh siya naman itong nagpakasal sa lalaking hindi naman pala niya talagang kilala!" Sisi pa niya sa kapatid. "Kuya, please tama na," saad ni April na nakaupo sa tabi niya. Hinawakan pa ng kapatid ang braso niya. "Huwag mo nang sisihin si Ate," malungkot na saad pa ni April sa kanya. "Ikaw April ah. Huwag na huwag ka munang mag bo-boyfriend! Mag aral ka muna, huwag lalake ang atupagin mo!" Saad niya sa kapatid. Alam kasi niya noong kabataan ng Ate Alexa niya nag enjoy ito masyado, naging wild ito at laging nasa party. Kung sinu-sino ang kinarelasyon hanggang sa mapunta ito kay Pao na isang model na nais makapasok sa mundo ng showbiz pero hindi pinapalad sumikat. Unang kita palang niya kay Pao noon alam na niyang pera lang ng pamilya nila ang habol nito at hindi nga siya nagkamali. Dahil nang maikasal ito sa Ate niya agad itong humingi ng share sa kompanya. Buti na lang at matalino ang Papa niya at siya, kaya hindi nila hinayaan na magkaroon ng ano mang share ang demonyong iyon sa kompanya nila. Ilang beses na rin nahuli ng kapatid niya si Pao na nambabae sa mga starlet na nakakatrabaho nito sa network. Pero wala itong ginawang aksyon. At heto umabot na sa pisikalan, sa pananakit. Bagay na hindi na niya mapapalampas pa. Kahit hindi sila close ng Ate Alexa niya katulad ni April. Mahal niya ito at hindi niya nais na maging miserable ang buhay nito sa lalaking walang kwentang katulad ni Pao. "So, ano ba ang nangyari?" Tanong niya matapos ikalma ang sarili at pigilan ang magsalita pa ng kung anu-ano laban sa kapatid. "May babae si Pao," tugon ng Ate Alexa niya. "Bago pa ba iyan," iling ulong saad niya. "Akio, pwede ba makinig ka muna sa kapatid mo!" Saway ng Mommy niya sa kanya. "Ok!' He said at nagtaas ng dalawang kamay bilang pag surrender. "Nag-away kame dahil sa bago niyang babae. Umabot sa sakitan," saad ng Ate niya. Hindi siya kumibo. Medyo hindi na siya interesadong makinig sa istorya, alam na kasi niya kung saan papunta ang kwento nito. "So, anong balak mo? Patawarin siya at magsama kayong muli?" Tanong niya sa kapatid nang matapos nitong idetalye ang nangyari rito at sa asawa nito. "Dito muna ang Ate Alexa mo, hangga't hindi nagbabago si Pao," saad ng Mama niya. "Ma, umaasa pa ba kayong magbabago pa ang lalaking iyon!" Saad niya at sinulyapan ang kapatid. "Mabuti pa Ate hiwalayan mo na siya. Bata ka pa naman. Wala naman kayong anak, makakahanap ka pa ng iba. Hindi kawalan ang taong iyon sa iyo Ate. Pakawalan mo na, kesa sa araw-araw na lang namomoblema ka sa gag*ng iyon!" Litanya niya sa kapatid. "Hindi ganoon kadali iyon Akio," malungkot na saad ng kapatid. "Pinatawag ka namin dito para pag-usapan ang nangyari sa Ate mo Akio. Huwag mo siyang husgaan sa kanyang desisyon," saad ng ina. "Ok, fine," tugon niya sa ina. "Pinatawag kita Akio, dahil gusto kong tulungan mo ko," saad ng Ate Alexa niya. "Tulungan saan?" Tanong niya. Isa pa sa kinaiinisan niya sa kanyang pamilya. Porket siya lang ang lalaking sa pamilya, sa kanya na nakaasa ang lahat. Pati sa personal na buhay ng mga ito ay siya pa ang aasahang mag-ayos. Masasabi niyang mahihina ang loob ng mga kapatid niya pagdating sa pagpapatakbo ng buhay ng mga ito. They always need someone to lean on, someone na tutulong at po-protekta sa mga ito. Nagmana ng kahinaan ang mga ito sa Mama nila. At dahil siya lang ang lalake sa pamilya, obligasyon niyang alagaan at protektahan ang mga ito. "Tulungan mo kong hanapin ang babae ni Pao," tugon ng Ate niya. "Bakit mo pa siya hahanapin? Anong kailangan mo sa kanya?" He asked. "Nais makipag hiwalay ni Pao sa akin," tugon nito. "Eh di hiwalayan mo!" Tugon niya. "Dam you, Akio! Hindi ka pa kase nagmahal kaya ganyan kabasura ang mga sagot mo!" Galit na saad ng kapatid sa kanya. "Akio, makinig ka naman sa Ate mo at tulungan mo siya. Wala na ang Papa mo para gawin iyon para sa kanya. Kaya ikaw Akio ang dapat gumawa para sa mga kapatid mo," saad ng ina sa kanya. "Pati ang paghahanap sa kabit ng asawa obligasyon ko na rin ngayon," iling ulong saad niya at dinampot ang baso na may lamang tubig sabay lagok roon, para naman kumalma siya at hindi pagalitan ang tatlong babae sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD