"Pamela maaga kang umuwi mamaya samahan mo si Mommy sa therapy niya. May meeting sa company at hindi ko siya masasamahan," saad niya sa kapatid habang kumakain silang mag-iina sa komedor.
"Alas kwatro pa ang labas ko. Si Manang na lang muna ang sasama kay Mommy," simangot na tugon ni Pamela sa kanya.
"Hay naku, huwag niyo kong intindihin. Kaya ko naman ang sarili ko," saad ng Mommy niya.
"Pero Mommy, kailangan mo ng makakasama sa pagpunta sa clinic," saad niya.
"Tamang ang kapatid mo Celina, si Manang Len na lang ang sasama sa akin sa clinic. Kaya na namin iyon," saad ng ina.
"See, Ate Celina. Kaya na nila iyon," segunda ni Pamela sa kanya.
"Kung ganon umuwi ka ng maaga Pamela at magpasundo ka sa driver, huwag kang uuwi ng gabi at mag ta-taxi lang," saad niya sa kapatid.
"No worry, Ate hindi ako mag ta-taxi pag ginabi ako. Magpapahatid ako sa isa sa mga friends ko," pagyayabang nito sa kanya.
Humugot na lang siya ng malalim na paghinga at hiniling ang ulo. Alam na niyang sa sinabi ng kapatid may lakad na naman ito at tiyak na gagabihin ito. Nagsasawa na rin siya sa kakasaway rito, kaya hahayaan na lang niya ito sa gusto nito. Magsasawa din naman ito. Siya kase sawa na sa kakasaway rito, hindi rin naman ito nakikinig sa kanya. Napapagod na siya sa paulit-ulit na pagsasalita rito.
"Anyway, Ate Celina. Suggestion ko lang ah. Huwag kang masyadong strict pwede. Look at you eighteen ka pa lang pero para ka ng twenty-five sa sobrang strict mo at kawalan ng enjoyment sa katawan,' Pamela said to her.
"What?!" Inis niyang saad.
"Get a life, Ate huwag kang boring diyan," saad pa ng kapatid sabay tayo sa kinauupuan at mabilis na nagpaalam sa Mommy nila. Humalik pa ito sa pisngi ng Mommy nila saka nag flying kiss naman sa kanya. Iling na lang ang ulo ang kanyang naging tugon.
Mukhang hindi pa niya talaga mapipilit ang kapatid na maging mature sa panahon ngayon. Immature pa ito masyado kaya hindi niya ito maasahan sa opisina.
"Hayaan mo na ang kapatid mo, Celina. Bata pa siya at sa kanyang edad ganyan talaga ang hanap niya. Ang mag enjoy muna," saad sa kanya ng ina.
"Papano naman po ako. Sinong makakatulong sa akin sa kompanya," saad niya habang nakayuko at nakatuon sa pagkain ang mga mata.
"Celina," tawag sa kanya ng ina at hinawakan ang kamay niya. Nag angat siya ng ulo at sinulyapan ito.
"Gawin mo rin kung ano ang magpapasaya sa iyo. Huwag kang makulong sa mga resposibilidad. Lilipas din naman ang lahat," saad ng ina sa kanya.
"Pag pasensyaan mo na rin ako at hindi kita matulungan sa ngayon dahil hindi ko pa rin matanggap na wala na ang Daddy mo," malungkot na saad ng ina sa kanya.
"Ok lang po iyon Mommy. Ang mahalaga po maging maayos na po ang pakiramdam niyo. Huwag na rin po kayong mag-alala pa sa akin. Kaya ko naman po ang lahat," tugon niya sa ina.
"Maraming salamat Celina," pasalamat nito. Tumango naman siya sa ina.
Eighteen pa lang siya at nasa kolehiyo pa, kaya naman bago siya magtungo sa opisina sa eskwelaan muna siya para maipagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral. Half day lang naman siya sa university dahil nag take siya ng special class, para pagkatapos niya sa school deretso na siya sa opisina para mag trabaho naman until 5 o'clock or more kung maraming dapat ayusin sa opisina. Medyo nasanay na siya sa kanyang routine, dahil walang ibang maaasahan sa pamilya kung hindi siya.
"Pagod na pagod na naman ang itsura mo friend," saad sa kanya ni Sanya na classmate at best friend niya since high school.
"Yeah, I am always like this," tugon niya sa kaibigan.
"Celina, huwag ka naman kasing masyadong seryoso diyan. Dapat kase i balanse mo rin. Like mag school ka, then mag work tapos mag party," saad ng kaibigan sabay sayaw pa sa huling sinabi nito.
"Party?" She asked.
"Yes, mag party. Pumunta tayo sa bagong bukas na bar this weekend para mag enjoy naman," saad nito.
"Sanya, alam mong-"
"Wala kang time. Busy ka. Marami kang inaasikaso," putol nito sa sasabihin niya. Tumango naman siya rito.
"Memorize ko na iyan Celina," saad pa nito.
"Please, sumama ka naman sa amin mag party this weekend. Opening iyon ng bagong bar na pagmamay-ari daw ni Akio Menendez," saad nito.
"Sino naman ang Akio Menendez na iyan?" She asked.
"Isang batang businessman na nag te-trending sa business world. Bukod kasi sa bata pa ito eh sobrang gwapo rin nito at malakas ang dating," kinikilig na tugon ng kaibigan sa kanya.
"At saan mo naman nabalitaan ang Akio Menendez na ito?" Tanong niya.
"Sa social media. At taga rito siya sa atin," tugon nito.
"Kaya gusto mong magpunta sa opening ng bar niya para masigurado mo na makita mo siya," iling ulong saad niya sa kaibigan.
"Wala naman masama kung gusto ko siyang makita. Gusto ko din naman kasing mag enjoy. Hindi kagaya mo na parang papuntang matandang dalaga na sa dami ng responsibilidad," litanya nito sa kanya.
Totoo naman kasi ang sinabi ng kaibigan kaya hindi na lang sita nag comment pa sa sinabi nito.
"Isa pa for sure na naroon ang kapatid mo. Iyon pa lahat na lang ng bar eh pinupuntahan niya," patuloy ni Sanya sa kanya.
Aware siya na gumagamit ng pekeng ID si Pamela para makapasok sa mga bar. Sinuway na niya ang kapatid nang maraming beses dahil baka mahuli ito at makulong pa, sadyang hindi lang nakikinig sa kanya ang kapatid. Ang mag party-party lang kase ang alam nito.
"Sino ba ang mga kasama mo?" She asked.
"Classmate natin," tugon nito.
"Anong oras?" She asked.
"Wow.. mukhang interesado ang businesswoman ah," biro sa kanya ni Sanya.
"Sira," saad niya rito.
Hindi pa naman talaga siya isang businesswoman, dahil nag-aaral pa siya at wala lang siyang choice kung di patakbuhin mag-isa ang kompanya ng kanilang pamilya.
"Sige na sasama na ako. Para na rin makilala ko si Mr. Trending sabi mo," she said.
"Nice," Sanya said sabay yakap sa kanya.