Chapter-4

1226 Words
"Wow, for the first time magpa-party ka Ate Celina," saad sa kanya ni Pamela nang banggitin sa kapatid na aalis din siya ngayong gabi at pupunta sa bagong bukas na bar sa bayan nila. "Sinasabi ko sa iyo ito para huwag ka munang lumabas at mag party ngayong gabi, samahan mo muna si Mommy," she said. "Kaya naman na ni Mommy, isa pa nariyan naman ang mga kasambahay," tugon ng kapatid sa kanya. "Pamela naman bakit ba hindi ka ma pirmi sa bahay kahit isang gabi lang," inis niyang saad sa kapatid at humakbang na paakyat ng hagdan para magtungo na sa silid at mag ready na. Aalis siya at mag e-enjoy siya ngayong gabi. Ngayon lang naman niya gagawin ang ganito kaya dapat lang na pagbigyan naman siya. Wala na siyang ginawa kung di mag asikaso ng mag asikaso para sa pamilya nila. Isang gabi lang naman ang hinihingi niya. "Pwede ka naman umalis Ate Celina at pwede rin naman ako. Magpapaalam na lang ako kay Mommy," saad ng kapatid sa kanya. Huminto siya sa pag akyat at humugot ng malalim na paghinga. Mariing pinikit ang mga mata para ikalma ang sarili. Kahit anong pakikipag agrumento sa kapatid, tiyak niyang gagawin at gagawin pa rin nito ang gusto nito. Kaya mabuti pang manahimik na lang siya at hayaan ito sa kung ano ang gustong gawin nito. Padabog siyang nagtuloy sa pag akyat ng hagdan. Ngayon lang siya magdadabog sa buong buhay niya, pagbigyan naman sana siya. "Celina, ano iyan at bakit nagdadabog ka?" Tanong ng Mommy niya na sumalubong sa kanya sa ikalang palapag. "Wala po Mommy," tugon niya sa ina na halatang gulat na gulat sa kanyang pagdadabog. Iyon kase ang unang beses na makita siya nitong nagdadabog. Malakas niyang sinara ang pintuan nang makapasok sa loob ng kanyang silid. Sumandal siya sa pinto at pinikit ang mga mata. Masama ba ang mag enjoy kahit minsan lang. Masama bang bigyan niya ng kaunting happiness ang sarili. Nanatili siyang nakasandal sa pintuan ng ilang minuto bago siya kumilos. Lumakad siya patungo sa may bathroom para i relax muna ang kanyang katawan na nagkaroon ng matinding tensyon. Pwede naman siyang ma late, may kotse siya at kaya niyang pumunta sa bar mag isa. Hinayaan muna niyang ibabad ang kanyang pagod na katawan sa mabangong scent na inilagay niya sa bathtub para ma relax ang kanyang katawan. Naghanda rin siya ng wine na maiinom. Katulad ng Mommy niya nahihiligan na rin niyang uminom ng wine sa tuwing magulo ang isip at nais niya ng peace of mind. Wine na rin ang naging kasangga niya sa dami ng kanyang hinaharap. Wala kasi siyang kasangga ramdam na ramdam niyang mag-isa lang siya ngayon. Eighteen pa lang siya pero pakiramdam niya napakarami na niyang responsibilidad sa buhay. Hindi niya namalayan na nakalahati na pala niya ang wine na kinuha niya sa collection ng Mommy niya. "Now I am ready to party," she said at umahon na sa bathtub para magbihis na at makaalis na. White tube, demin jeans and black boots ang naisipan niyang isuot. Inayos rin niya ang buhok na abot sa balikat niya. Nilagyan lang niya ng kaunging curl para magla volume at bouncy. She applied make up na sapat lang para magbigay kulay sa kanyang medyo pale ng mukha. Inilabas na rin niya ang isa sa mamahaling bag na regalo sa kanya ng Daddy niya bago ito nawala. "I missed you so much, Dad," bulong niya. Totoo iyon sobrang miss na niya ang ama. Hindi dahil kung narito ito at ito ang gagawa ng mga ginagawa niya. Gusto niyang makasama muli ang ama at makumpleto silang muli. Iyong hindi na masyadong wild at pasaway si Pamela. Hindi na depressed at alcoholic ang Mommy niya. Na mi-miss na niya ang dating pamilya nila noong buhay pa ang Daddy niya. "See you there, Sis,' maarteng saad sa kanya ni Pamela nang makita siya nitong pababa ng hagdan. Hindi pa ito bihis baka nagbago na ang isip nito at hindi na aalis. Well, she is hoping. Hindi siya tumugon sa kapatid at lumakad na palabas ng pintuan. Ayaw na niyang magsalita pa dahil tiyak na hindi naman makikinig ang kapatid sa kanya. Puting BMW ang ginamit niya. Maraming collection ang Daddy niya ng mga sasakyan at dahil siya pa lang ang nag da-drive ngayon nagagamit niya kahit alin sa mga mamahaling collection ng ama. Although ginagamit rin naman ni Pamela pero nag papa drive pa rin ito sa family driver nila. "Malapit na ako, don't worry darating ako," saad niya kay Sanya nang tawagan siya ng kaibigan. Ilang beses na nga siya nitong tinatawagan hindi lang niya agad nasagot. Napailing pa siya ng ulo matapos niyang makausap ang kaibigan sa kabilang linya habang nagmamaneho. Alam niyang nais lang naman ni Sanya na maging masigla siya muli katulad ng dati bago nawala ang Daddy niya. Alam niyang nais ng kaibigan na mag enjoy pa rin siya kahit marami siyang responsibilidad. Pagdating niya sa malaking bar na bagong bukas sa kanilang bayan. Hindi na siya nagtaka pa nang makitang halos puno na ang parking lot ng mga mamahaling sasakyan katulad ng sa kanya. Walang duda na mga elite din ang mag pa-party sa bar na ito. "Enjoy, Celina, have fun. Have a wild night," she whispered to herself at confident na lumakad papasok sa loob ng bar kasabay ang ilan pang nais mag enjoy ngayong gabi. Pagpasok sa loob malakas na tugtugin ang sumalubong sa kanya at mga nagsisigawan sa may dance floor. Crowded at mukhang halos mga ka edaran lang niya ang mga naroon. Napangiti siya dahil nakaramdam siya ng excitement. Kung wala lang naman siya ng ano mang obligasyon sa pamilya nila, baka gabi-gabi siyang nagpupunta sa mga ganitong lugar para mag enjoy. Hindi niya masisisi si Pamela kung lagi itong nasa labas at nag pa-party. Iba kasi ang pakiramdam pag nasa mga ganitong lugar ka pala. Maingay, malilikot na ilaw at ramdam niya ang kasiyahan. Hinanap niya si Sanya sa dami ng mga tao sa loob na nagsasayawan. Hindi niya ito agad nakita kaya naisipan muna niyang uminom sa may bar mag isa para mas lalong lumakas ang loob niyang mag party. Hard drink ang in order niya. Tutal narito na rin naman siya para mag enjoy lulubusin na niya. Itotodo na niya ang pag e-enjoy, tiyak niyang matagal na naman bago ito maulit. Nakangiti siya habang nakatitig sa kopita na may lamang alak. Pakiramdam niya nagkaroon siya ng freedom kahit panandalian lamang. Uminom siya sa kopita at napangiwi nang malasaan ang pait. Pait ng sarap iyon kaya tiniis na lang niya at muling uminom. Naramdaman niya agad na may tama ang sa kanya ang alak. "Hi." Napalingon siya sa bumati sa kanya at nakita ang isang lalake na mukhang hindi naman teenager, pero hindi pa naman ganoon katanda marahil, baka nas mid 20's lang ito. Gwapo at matangkad ito. Higit sa lahat mabango ito. Iyon ang una niyang napansin ang amoy nito. "Alone? Can I join you?" Tanong ng lalake sa kanya. "Sure," agad niyang tugon. Tutal mag e-enjoy din naman siya sasagarin na niya at dapat kumpleto. Why not a one night stand with this handsome guy. "Sure," tugon niya sa lalake at naupo sa dami niya. " Akio Menendez," pakilala ng lalake sa kanya. "Celina, Celina Tolentino," pakilala niya sa kaharap at tinanggap ang pakikipagkamay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD