Successful ang opening ng kanyang bagong bar, maraming mga kabataan ang pumunta, halos mapuno nga sa loob, isama pa ang mga nag pa reserved sa VIP room nila. Masasabi niyang panibagong milestone na naman ito sa buhay negosyante niya. Masaya siya dahil hindi pa siya nagkamali sa pagpapatayo ng mga bar sa ibat-ibang lugar.
Umattend ang dalawang matalik niyang kaibigan na sina Mayor Harold at Governor Kian. Yes, politicians ang mga kaibigan niya at wala siyang balak na maging katulad ng mga ito. Simple at tahimik na buhay lang ang gusto niya. Ayaw din niyang maging isang public figure at lahat ng tungkol sa kanya at alam ng buong mundo. Masaya na siyang maging businessman at least private ang kanyang buhay at hindi niya dapat pang ipaalam sa marami.
Naunang umalis si Kian kanina dahil nagkakagulo ito at ang batang asawa nito na isang eighteen years old lamang. Kung siya ay mag-aasawa hindi siya kukuha ng ganoong kabata. Sawa na siyang mag alaga ng mga babae. May tatlo na siyang alaga at hindi na niya nais pang dagdagan pa. Mas mabuti pa sigurong matanda na lang sa kanya ang mapangasawa niya basta hindi na niya aalagaan pa at kailangan protektahan. Dapat iyung independent.
Pag alis ni Kian hindi na rin nagtagal sumunod na rin si Harold na hanggang ngayon nagpapakitang gilas pa rin sa sinasakupan nito. Ito kase ang unang termino ng kaibigan at baka may balak pa itong tumakbong Mayor ulit sa susunod na eleksyon.
Sa kanilang tatlong magkakaibigan siya ang malihim at hindi kasi niya hilig sabihin sa mga kaibigan ang kanyang personal na problema. Masayahin siya sa tuwing kasama ang mga ito, kaya walang idea ang mga ito kung masaya nga ba talaga siya o hindi lalo na pagdating sa mga obligasyon niya sa Mama niya at dalawang kapatid na babae. Mahirap pala pag mag isa kang lalake sa pamilya at puro alagain na babae ang mga kapatid. Siya kase lahat ang gumagawa. Obligasyon niya lahat, nakakalimutan na nga niya ang sarili niyang kaligayaan dahil sa obligasyon.
Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga kabataang enjoy na enjoy sa party. Maraming sumasayaw, marami ring nag-iinuman at busy ang kanyang mga tauhan.
Habang nagmamasid napansin niya ang isang magandang babae na mag isang nakaupo sa may harapan ng bar at umiinom mag-isa.
Pinagmasdan niya ang magandang babae. Mukha pa itong bata at marahil wala pa itong bente. Pass siya sa mga teenager. Ayaw nga niyang mag alaga at mag baby-baby pa. Pero hindi niya maiwasang pagmasdan ang magandang mukha ng babae.
Sa dami ng kanyang bar ngayon lang niya nakita ang magandang babaeng ito na agaw pumukaw sa kanya.
Lumingon-lingon siya sa paligis para tignan kung wala nga ba talagang kasama ang babae. Napansin niyang hindi lamang siya ang lalaking nakatingin at nagka abang sa magandang babaing mag isang umiinom. May tatlo pang lalaking nakatingin sa babae at mukhang katulad din niyang kumukuha lamang ng tyempo para malapitan ang babae.
Bago pa siya maunahan ng tatlo mabilis na siyang kumilos at lumapit sa babae. Bakante ang katabibg upuan nito at doon siya pumuwesto.
Sinulyapan siya ng babae at kahit medyo malilim at malikot ang ilaw nakita pa rin niya kung gaano kaganda ang babae. At tama nga siya wala pa itong bente. Marahil eighteen lamang ito o nineteen. Pero pwede na rin ito kung nais lang niyang maglibang at mag enjoy ngayon gabi.
Nagpakilala siya sa magandang babae. Ngumiti naman ito sa kanya at mukhang naghahanap rin ito ng makakasama ngayon gabi. .
Pasimple niyang sinulyapan ang mga lalaking nag-aabang rin na makalapit sa babae. Nakita niyang dismayado ang mga ito dahil siya ang nauna.
"Celina, Celina Tolentino," pakilala ng babae sa kanya.
"What a beautiful name," he said habang hindi maalis-alis ang mga mata sa magandang mukha nito.
"Thank you," pasalamat nito sa kanya at kimi pa itong ngumiti.
May maganda itong mukha na masasabi niyang pasado sa kanyang panlasa. Isama pa ang maganda nitong katawan na nakakurba sa sexy nitong suot.
Napansin niyang hard drink ang iniinom ng babae kaya naman nag order siya ng dalawang hard drink para sa kanila nito. Wala siyang balak lasingin ang babae, nais lamang niyang sabayan ito ngayong gabi at mag enjoy sila.
"Ngayon lang kita nakita sa mga ganitong lugar Celina,' he said.
"Sa pagkakaalam ko opening pa lang ng bar na ito," tugon nito sa kanya at ngumiti. Mas maganda ito pag nakangiti.
Sa dinami-rami na ng mga babaing nakakilala at nakasama niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa isang babae. Napakadali kasi niyang mag init sa tabi ng babae. Masyadong aktibo ang kanyang dugo at lalo na ang kanyang alaga na mukhang nagising na at nais makilaglaro. Wala pa yatang babaing nakagawa sa kanya ng ganito.
"Yeah, right. What I mean is, sa ibang bar hindi kita nakikita," tugon niya rito.
"Kung ganon madalas ka sa mga bar," Celina said with a flirty smile.
"Well, yeah," tugon niya sa babae.
"Mag-isa ka lang ba?" Tanong niya rito.
"Kasama ko ang mga kaibigan ko, iyun nga lang hindi ko sila mahanap sa laki ng bar na ito," Celina explained.
"I see. Call them," he said.
"I did, hindi siya sumasagot. Maybe busy siya or hini niya naririnig ang cellphone niya,' Celina said.
The way Celina speaks halatang confident ito at kaya nito ang sarili and he likes that. Attracted siya sa mga babaing kayang dalhin ang sarili.
"Pwede kitang tulungan hanapin sila," he said.
"Later na lang. I am enjoying your company. And also free drinks eh," tugon nito at tinaas pa ang kopitang hawak nito.
"Right," nakangiting saad niya at muli siyang humingi ng maiinom sa bartender na naroon para sa kanila ni Celina.
Nag-usap pa sila ng babae at aaminin niya nais niya itong iuwi. Nais niyang makalaro ito sa kanyang kama. Iyon ay kung papayag itong sumama sa kanya ngayong gabi at makipag laro.
Hindi siya judgemental na tao, pero sa nakikita niyang kinikilos ni Celina at the way na uminom ito ng alak masasabi niyang katulad ito ng mga ka edaran nitong mahilig sa party at mag after party sa kung sinong available. And now he is available for her.
"How old are you anyway, Celina?" He asked nang hindi na siya mapakali. Nais niyang malaman kung nasa twenties na ito, at least hindi na siya kailangan pang mag isip kung makikipaglaro siya rito o hindi.
"Old enough for this hard drink," tugon nito sa kanya at sinulyapan siya. Nagtama ang kanilang nga mata. Mayroon itong magandang mga mata. Inosente kung tignan pero may apoy sa dulo. Interesting iyon para sa kanya.
Magsasalita pa sana siya nang maramdaman ang pag vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa. Hindi na lang din sana niya papansinin kaya lang walang tigil ang pag vibrate.
Kinapa niya ang cellphone at inilabas. Nakita niya ang pangalan ng PI na inutusan niya para imbestigaan ang babae ng asawa ng Ate Alexa niya. Pinapahanap kasi ng kapatid ang kabit na kinababaliwan ng gag* nitong asawa. At dahil kapatid niya ito hindi sita makatanggi kahit ayaw niya, dahil wala rin namang mangyayari kahit malaman pa niya kung sino ang kabit ni Pao. Tiyak naman kasi na magpapatuloy pa rin ang panloloko ng Pao na iyon sa Ate Alex niya.
"Excuse me, importante lang," paalam niya kay Celina.
"Go ahead," tugon nito sa kanya.
Tumango siya at tumayo mula sa kinauupuan para maghanap ng medyo tahimik na lugar para magkaintindihan sila ng PI. Sinabi niya sa PI na tawagan siya once na mahanap na nito ang kabit ng bayaw at mukhang nahanap na nito agad.
"May balita na ba?' Bungad na tanong niya nang sagutin ang tawag.
"Opo Sir, nag send na rin po ako ng mga picture ng babae. Pero walang pang larawan na magkasama sila ng bayaw mo. Mga grabbed photos lang po ito, " tugon ng PI sa kanya.
"I see. I'll check them later," tugon niya.
"Ayun po sa mga impormasyong nakalap ko, estudyante lamang po ang kabit ng bayaw niyo. Eighteen years old at nag-aaral sa isang university," saad ng kausap sa kabilang linya.
Hindi siya nagsalita naghihintay pa siya sa mga sasabihin pa nitong impormasyon.
"Ano nga palang pangalan niya?" Tanong niya sa PI.
"Celina po Sir, Celina Tolentino," tugon ng PI sa kanya.
"What?!" Bulalas niya at sinulyapan ang bar kung saan niya iniwan ang Celina Tolentino ma nakilala lang niya kanina.
"Pakiulit mo nga ang pangalan niya," utos niya sa PI habang nakatitig kay Celina na nakaupo at uminom ng alak.
"Celina Tolentino po Sir. May mga pangalan po iyung sinend kong larawan," tugon nito.
Agad niyang inalis sa tenga ang cellphone para tignan ang mga larawang sinend sa kanya ng PI.
Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang hinahanap ang mag larawan.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang larawan. Ang babaing nasa larawan kase at ang babaing nakilala niya kanina lang ay iisa.
"Damn it!" Mura niya at nilingon ang bar ngunit wala na roon si Celina.
"Celina," bulong niya sa pangalan ng babae habang ginagala ang mga mata sa paligid upang makita muli si Celina.
"B*llsh*t!" Malakas niyang mura dahil sa dami ng tao roon hindi na niya makita pa ang babae.
"Damn you, Celina Tolentino! Hindi ako papayag na tuluyan mong sirain ang buhay ng kapatid ko!" Mariing saad niya. Sumiklab bigla ang galit niya sa babae.
Abot kamay na pala niya kanina ang babaing sumira sa buhay ng kapatid niya. Napakawalan pa niya. Anyway madali lang naman sa kanya ang hanapin ito.
"See you again, Celina Tolentino. Young mistress eh," bulong niya habang malikot ang mga mata na hinahanap ang babae.