"Uminom ka?!" Bulalas ng Mommy niya nang makauwi na siya ng bahay nila matapos makarami ng inom sa bar pinuntahan niya. Hindi na niya nagawang makipagkita kay Sanya dahil hindi na maganda ang pakiramdam niya. Nasobrahan na siya ng inom ng alak, kaya nag text na lang siya sa kaibigan na hindi makakarating sa party. Sinubukan pa siyang tawagan ng kaibigan pero hindi na niya sinagot iyon. Hindi na niya kakayanin pa kung iinom pa, baka bumulagta na lang siya bigla.
"Konti lang po Mommy," tugon niya sa ina na inaamoy-amoy pa siya.
"Bakit ka uminom, Celina? May problema ka ba?" May pag-aalala sa tinig ng ina.
"Si Pamela po nakauwi na?" Tanong niya rito hindi na pinansin ang mga tanong nito sa kanya. Kung nag-aalala man sa kanya ang ina iyon ay dahil walang kikilos para sa kanila. Siya lang naman kasi ang kumikilos para magtaguyod sa pamilya nila.
"Hindi pa nga eh, akala ko nga siya na ang dumating. Ewan ko ba sa batang iyon, kung saan na naman nagpunta at nagpapagabi ng ganito," litanya nito sabay talikod at lumakad patungo sa may mini bar kung saan naroon ang mga alak nito.
Humugot siya ng malalim na paghinga at mariing pinikit ang mga mata. Nawawalan na talaga siya ng pag-asa na magbabago pa ang Mommy niya at makakatulong niya ito sa pagpapatakbo sa kanilang negosyo para naman makapag focus din siya sa kanyang pag-aaral. Hindi niya nais huminto sa pag-aaral dahil sa mga obligasyon niya sa ina at kapatid. Gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral para naman kahit papano may maipagmamalaki siya sa kanyang sarili at handa siya sa ano mang pwedeng mangyari sa pamilya nila.
"Mommy aakyat na po ako. Magpahinga na rin po kayo at huwag na po kayong uminom pa. Amuy na amoy alak rin po kayo,' saad niya sa ina habang paakyat na ng hagdan.
"Magpahinga ka na, may meeting bukas sa opisina at kailangan maaga ka," saad ng ina.
Huminto siya sa pag akyat ng hagdan at nagkibit balikat. Alam niya ang tungkol sa meeting na iyon, kaya nga siya lumabas ngayon para mag relax muna kahit sandali, dahil bukas paniguradong problema na naman ang kakaharapin niya.
"Goodnight po, Mommy," saad niya sa ina at nagtuloy na sa pag akyat ng hagdan.
Mabibigat ang mga hakbang niya papasok sa loob ng kanyang silid. Tinamaan din kasi siya sa alak na kanyang nainom kanina.
"Teka, may nakilala nga ba ako kanina?" Tanong niya sa sarili nang ibagsak ang pagod na katawan sa malambot niyang kama at tumitig sa kisame.
"Sino nga kase ang lalaking iyon?" Kunot noo niyang tanong sa sarili.
Naalala niya ang gwapong mukha ng lalake, pero nakalimutan naman niya ang pangalan nito kung ano.
"Hayyzzz.. minsan na nga lang ako makakilala ng lalake nakalimutan ko pa," inis niyang saad sa sarili at bumangon mula sa pagkakahiga.
Maghihilamos na muna siya bago magpahinga. Hindi niya kayang ituloy sa tulog ang kanyang pakiramdam ngayon dahil sa naimon na alak. Kung bakit naman kasi ang lakas ng loob niyang uminom ng hard drink.
"Masarap eh," bulong pa niya habang nag to-toothbrush ng ngipin at nakatingin sa salamin.
"Gwapo pa naman siya, sayang," bulong niya ang tinutukoy ay ang lalaking lumapit sa kanya sa bar.
"Huwag ko na ngang isipin pa, wala na rin namang chance para magkita pa kame ulit," saad niya at tinapos na ang ginagawa para makapag pahinga na.
Nagbihis siya sa closet kung saan naroon ang napakarami niyang mga damit, bags, sapatos at mga alahas. Lahat ng gamit na meron siya at binili sa kanya ng Daddy niya. Pero ngayong wala na ang ama siya na bibili ng mga kailangan niya. Pasalamat na rin siya dahil stable pa rin ang lahat ng business na iniwan ng ama. Stable iyon dahil pinipilit niyang maitaguyod ang mga iyon ng sabay-sabay pati na ang pag-aaral niya.
Asul na lingerie ang napili niyang isuot at sinulyapan ang sarili sa salamin. Napangiti siya dahil kahita gaano siya ka busy hindi niya pinababayaan ang kanyang katawan. May maganda siyang hubog ng katawan at maraming mga kalalakihan ang nakakapansin non, pero hindi siya interesado sa ngayon. Masyado siyang focus sa maraming bagay at hindi na niya kayang isingit pa ang magkaroon ng lalake sa buhay. Hindi pa niya kailangan ang lalake ngayon, although kailangan sana niya para naman may makatuwang siya sa pagpapatakbo ng kanilang mga business. Iyon nga lang wala pa siyang time para maghanap.
"Iyung lalake sa bar kanina," bulong niya at napakagat sa ibabang labi niya. Ewan niya kung bakit pumasok sa isip niya ang lalaking iyon.
Sanay naman siya makakita ng mga gwapo, sadyang may kakaiba lang sa aura at appeal ng lalaking nakilala niya kanina. Sobrang gwapo at sobra rin ang lakas ng appeal nito. Para nga itong artista o di kaya modelo.
"Hayyzzz..." sabay iling niya sa ulo at ginulo ang buhok. Sa dami na niyang nakilalang mga lalake wala pang nagpa bother sa kanya ng ganito. Masyado nga yatang malakas ang dating ng lalaking iyon. Kung sana hindi na lang siya nito iniwan kanina baka nagkakilala pa sila nito ng maayos.
"Kalimutan na siya Celina. Hindi na kayo magkikita ng lalaking iyon," bulong niya sa sarili at mabilis nang lumabas ng closet para matulog na at makapag pahinga. Maaga pa ang meeting niya bukas bago siya pumasok sa university.
"Goodnight, Celina. You did a great job today. Tomorrow is another day. So, be ready girl! Fighting!" Saad niya sa sarili at nahiga na sa kama.
Kinabukasan pagbaba niya nagbubunganga na naman ang Mommy niya kay Pamela na marahil madaling araw na naman umuwi.
"Good morning," matamlay niyang bati sa dalawa na nagbabangayan.
"Good morning, Ate Celina," bati sa kanya ni Pamela at tumigil na ito sa pag sagot sa Mommy nila habang ang ina ay patuloy pa rin sa pag sermon kay Pamela na para bang hindi rin nito gawain ang pag inom araw-araw.
"Mommy, tama na ho. Nag enjoy lang naman kami ng mga friends ko kaya umaga na ko nakauwi," saad ni Pamela.
Iniling na lang niya ang ulo at hindi na muna nakisawsaw sa bangayan ng dalawa. Pagod na rin siya kakasaway sa kapatid wala namang nangyayari.
"Papasok na po ako," paalam niya matapos dumampot ng sandwich na kakainin na lang niya sa sasakyan at bibili na lang siya ng kape sa labas kesa sa masira ang araw niya sa pakikinig sa dalawa.
"Hindi ka kakain?" Habol na tanong ng Mommy niya. Tinaas na lang niya ang hawak na sandwich at nagtuloy na sa paglabas ng komedor.
Dalawang taon na siyang nagtitiis sa ganitong sitwasyon nila. Marami nga siyang pera sakit naman ng ulo lagi ang Mommy niya at kapatid, para katulad lang din ng walang pera ang sitwasyon niya.
Bago tumuloy sa opisina dumaan muna siya sa paborito niyang coffee shop para doon magkape at makapag relax man siya kahit papano.
Matapos makapag order pumuwesto na siya sa paborito niyang spot sa coffee shop na iyon. Gustong-gusto niya kasing nakikita ang mga taong naglalakad sa labas. Natutuwa siyang napapanood ang ibat-ibang emosyon ng mga ito habang nagmamadali papunta sa kung saan.
Habang nag e-enjoy siya sa kanyang kape umagaw sa atensyon niya ang lalaking kakapasok pa lang sa coffee shop na agad tumuloy sa may counter. Hindi lang siya ang nakapansin sa lalake at hindi lang siya ang napasunod ng tingin sa lalake.
"Ang gwapo talaga ni Akio."
"Oo nga sis. Gwapo na magaling pang negosyante."
"Single daw iyan."
"Ay.. Sana mapansin tayo."
Usapan ng dalawang babae sa katabing mesa niya habang nakasunod din ng tingin ang mga ito sa lalaking nasa counter at umuorder ng kape.
"Akio?" Bulong niya sa nabanggit na pangalan ng dalawang babae sa lalake.
"Tama, Akio nga ang pangalan niya. Akio Menendez," saad niya nang maalala na ang buong pangalan ng lalaking nakilala niya kagabi sa bar.
Hindi niya inalis ang tingin sa lalake na nasa counter na pinagtitinginan din ng mga naroong babae hindi lang siya ang nakaramdam sa malakas nitong s*x appeal at hindi lang siya ang nakakita s gwapong mukha ng lalake.
"Makikilala ka niya ko pag nagpakita ako sa kanya?" Bulong niyang tanong sa sarili. At umayos ng pagkakaupo. Pinag-iisipan kung lalapitan ang lalake o gagawa siya ng paraan para mapansin siya nito. Wala kasing closure ang pagkakakilala nila kagabi dahil bigla itong umalis at iniwan siya para sagutin ang cellphone nito. Nagkataon naman na sumama na ang pakiramdam niya kaya umalis na siya at hindi nakabalik pa sa dahil nakarami na siya ng nainom.
Nakita niyang inabot na ng barista ang kape ng lalake at lumakad na ito patungo sa may exit. Tatayo na sana siya para sabayan ito palabas nang marinig niya ang pag ring ng kanyang cellphone.
Hindi na sana niya sasagutin iyon dahil hindi niya magawang alisin ang mga mata sa lalaking palabas na ng coffee shop na sinusundan ng tingin ng lahat ng mga babaing naroon.
"Sh*t," mura na lang niya at naupo na ng maayos para sagutin ang cellphone habang nakasunod pa rin ang mga mata sa lalake na naglalakad sa labas.
"Ma'am andito na po lahat ng ka meeting niyo. Nasaan na daw po kayo?" Tanong ng nasa kabilang linya. Ang secretary niya ang tumawag sa kanya.
"Andiyan na ko malapit na," tugon niya at agad ng pinatay ang tawag at tumayo na bitbit ang kape at mabilis na lumakad palabas ng coffee shop. Nagbabakasaling makita pa niya ang lalake.
"Wala na siya, ang bilis niyang nakalayo," simangot niya at nagkibit balikat na lang.
Hindi siya ang tipo ng babae na madaling ma attract sa isang lalake. Pero pinukaw ng lalaking iyon ang kanyang atensyon.