"Hanapin niyo ang babaing ito. She is Celina Tolentino, a student sa Tecson University. Pag nakita niyo kunin niyo agad!" Mariing utos niya sa mga tauhan pinakilala sa kanya ng pinsan niyang si Wendell.
Sadya siyang nagpahanap ng mga taong pwedeng gumawa ng binabalak niya kay Celina Tolentino. Nais na kasi niyang matapos ang kahibangan ng Pao na iyon kay Celina. Masyado ng sinaktan ng dalawa ang Ate niya. Hindi na siya pwedeng manahimik na lang at hintayin na mamatay ang Ate niya.
Two days ago nagtangkang magpakamatay ang Ate Alexa niya uminom ito ng isang boteng sleeping pills. Buti na lang at nakita ito agad ng kasambahay kaya naitakbo pa sa ospital. Stable naman na ang lagay ng kapatid. Nananatili pa ito sa ospital para magpagaling habang si Pao hindi pa nagpapakita sa kapatid niya. Mukhang masyadong busy pa sa kabit nitong teenager.
Sino bang matinong babae ang papatol sa lalaking may asawa na. Isama pang matanda na para sa isang eighteen years lang. Maganda pa naman si Celina. Sadyang hindi lang nito ginagamit ang utak nito at nahulog sa karisma ng Pao na iyon.
"Madali lang ito boss, pwede na itong dukutin sa labas ng university," saad ng isa sa tatlong kidnapper na inupahan niya.
"Good. Huwag niyo siyang sasaktan or anything. Dalhin niyo siya sa resthouse ko sa Tagaytay doon ko kayo pupuntahan," utos niya sa mga ito.
Mali man ang paraan niya para matauhan si Celina at Pao, kailangan pa rin niyang gawin. Hindi pwedeng nagpapakasaya pa rin ang sirang ulong Pao na iyon habang ang Ate niya nag-agaw buhay na.
"Masusunod boss. Tawagan ka namin pag hawak na namin ang babae," saad ng pinaka boss ng tatlo.
"Heto, paunang bayad," hinagis niya sa mesa ang isang makapal na tig iisang libo na agad dinampot ng boss ng tatlo at ngumisi.
"Huwag kang mag-alala boss hindi ka sasabit dito. Malinis kaming magtrabaho kahit itanong mo pa kay Boss Wendell. Wala kaming hindi ginagawa basta iuutos niyo. Basta lang walang p*****n," litanya ng boss sa kanya habang inaamoy-amoy nito ang pera.
Ngumisi siya sa mga ito. Wala naman siyang pakialam kahit madamay siya o maituro siyang mastermind. Kayang-kaya niyang lusutan ang ginawa niya. Mas inaalala pa nga niya na baka malaman ng Mama niya at mga kapatid ang ginawa niya. Kahit na ginagawa lang niya ito para maprotektahan ang Ate niya at para na rin maipaghiganti ito.
"Wala ring sakitang mangyayari. Hindi niyo siya sasaktan. Ni dulo ng daliri niya huwag niyong gagalawin. Ako na ang bahala sa kanya pag nagharap kame!" Mariing bilin niya sa mga ito. Baka kase saktan pa ng mga ito si Celina.
"Masusunod boss. Walang masasaktan," saad ng isa sa mga ito. Tumango naman siya.
Actually wala naman siyang pakialam kung saktan ng mga ito si Celina. Gusto nga niyang magtanda ito para hindi na ulitin ang pagpatol sa lalaking may asawa.
"Gawin niyo na mamaya. Abangan niyo siya sa Tecson University," saad niya at tumalikod na para umalis.
Ilang araw niyang pinag-isipan ang planong ito matapos niyang makita at makilala ng personal si Celina sa mismong bar niya. Kung sana noong mga oras na iyon ay nalaman na niyang si Celina Tolentino ang kaharap niya, hindi na niya ito pakakawalan pa. Siya na mismo ang magtatangay sa babaing iyon para kausapin at pahirapan ito hanggang sa layuan na nito si Pao. Syempre hindi lang niya hahayaang ganun-ganon lang ang lahat. Dapat maturuan muna niya ng leksyon ang babaing iyon, para hindi na nito lapitan pa si Pao. At pagkatapos niya sa kabit ng bayaw ito naman ang isusunod niya. Gagawin niya ang lahat mailayo lang ang Ate Alexa niya rito. Pasalamat nga ang Pao na iyon at hindi pa sila nagkikita nito. Tiyak na
Hindi siya natatakot sa pwedeng mangyari sa kanya pag nagkabukuan sa ginawa niya. Isang kabit si Celina tiyak na hindi ito lalaban sa kanya. Hindi siya nito makakasuhan dahil mapapahiya ito. Napakabata pa nito para maging kabit at tiyak na hindi rin nito nais na madungisan ang pangalan nito, para sa mga upcoming potential customer nito in the future.
Hindi siya judgemental na tao pero ang tingin niya ngayon kay Celina ay isang goldiggger. Baka nga pati perang pang tuition nito ay galing pa kay Pao na galing naman ang pera ni Pao sa Ate Alexa niya. Halata rin niya sa pananamit ng babae noong makita niya ito at puro branded at luxury mula ulo nito hanggang paa. Wala duda na sanay na sanay na itong mang-gatas ng mga lalake.
Sa ganda ng mukhang meron si Celina hindi niya maiwasang isipin kung ilang lalaki na ang pinatulan nito para lang magkaroon ng marangyang buhay na gusto nito.
"B*tch!" Mura niya kay Celina habang nakatingin sa larawan nitong hawak niya. Galing PI ang larawan na iyon ni Celina. Pero wala pang ibinigay ang PI niya na larawan nu Celina at Pao. Kung sa bagay hindi naman na kasi niya inutusan ang mga ito na sundan si Pao. Pinaalam lang naman niya kung sino babae nito at nagkataon na lumabas ang pangalan ni Celina Tolentino.
"You ruined my sister life, and now I will ruin you, b*tch!" Mariin niyang saad habang titig na titig pa rin siya sa larawan ni Celina.
Aaminin niyang napukaw ni Celina ang atensyon niya nang makita niya ito sa opening ng kanyang bar. Gandang-ganda siya sa dalaga. Napaka inosente kase ng mga mata nito at kimi kung kumilos. Hindi niya maiisip na kaya nitong pumatol sa may asawa.
"Sayang ka Celina. Nagpa uto ka kay Pao. Kung hindi mo sana pinatulan si Pao, baka ako pa ang natagpuan mo at nagatasan mo. Mas galante ako kay Pao, dahil may sarili akong pera," litanya niya sa larawan ni Celina na para bang kaharap niya ang dalaga at sinasabi niya ang bagay na iyon sa mismong dalaga.
"B*llsh*t!' Mura pa niya sa sarili kung bakit naman kasi masyado siyang apektado hindi lang sa Ate Alexa niya kung di pati na kay Celina Tolentino na hindi naman niya talaga kilala.