"Ano na naman ba iyang alibi mo at hindi ka na naman pwedeng sumama sa gimik namin, Celina!" Inis na saad sa kanya ni Sanya habang palabas na sila ng campus.
"Marami kasi akong trabaho opisina na iniuwi ko sa bahay namin dahil natatambakan na ako. Tapos malapit na rin ang exam natin kaya kailangan kong makatapos ng ilang trabaho at makapag review naman," paliwanag niya sa kaibigan matapos siyang tumanggi na sumama rito sa bar.
"Naku, bakit kasi hindi mo pa turuan iyang kapatid mong si Pamela para naman may katuwang ka na sa mga negosyo niyo. Habang ikaw na wala ka ng oras para sa sarili mo iyung kapatid mo panay party naman!" Ismid pa ng kaibigan sa kanya.
"Bata pa masyado si Pamela. Highschool pa lang siya. Pag nag college na siya pwede ko na siyang turuan at makatulong sa business," she answered.
"Naku asa ka pa sa kapatid mo!' Taas kilay na saad ni Sanya sa kanya.
"May tiwala ako kay Pamela," she said.
"Ah.. Teka, Celina. Narinig mo na ba ang tsisimiss kay Pamela?' Bulong na tanong nito sa kanya.
"Ah? Ano iyon?" She asked. Hindi naman kasi nawawalan ng tsismiss tungkol sa kapatid niya. Kung bakit naman kasi napaka pasaway nito at hindi niya madisiplina.
"May narinig ako na matanda naman daw ngayon ang jowa ng sister mo," bulong na tugon sa kanya ni Sanya.
Napalunok siya at hindi nakakibo. Marami na siyang naririnig na hindi maganda patungkol sa kapatid. Pero sa tuwing kinokonpronta niya ito nagagalit at sinasabihan pa siyang hindi siya ang Mommy o Daddy sa bahay nila. Masyado na kasing matigas ang ulo ng kanyang kapatid. Nahihirapan na siyang putulin ang sungay nito.
"Sa palagay mo ba kaya ng kapatid mo na pumatol sa matanda? Hindi ba't hindi naman kayo naghihirap para gawin niya iyon for the sake of her luho," Sanya said.
"Kakausapin ko na lang siya about this," tugon niya at lumapit na sa sasakyan niya sa may parking lot.
"Celina, call me pag nagbago ang isip mo ah. Pwede ka naman kahit ma late ka sa party," Sanya said.
"Yes, I will," she answered at nagpaalam na sa kaibigan saka mabilis na sumakay sa sasakyan niya para makauwi na agad at masimulan na ang mga dinala niyang trabaho galing opisna. Kung hindi pa kasi niya sisimulan ang pagbabawas sa mga trabaho tiyak na matatambakan siya at siya din ang mamomoblema.
Habang nagmamaneho binuksan niya ang music para ma relax naman siya sa pagmamaneho. Music na lang ang pampa relax niya sa dami niyang ginagawa.
Dumaan pa siya sa isang coffee shop para mag drive thru ng kape at pastries. Panigurado kasing pagdating niya sa bahay deretso na siya sa silid niya at hindi na bababa pa. Paano naman kasi pag bumaba siya makikita niya ang Mommy niyang umiinom at naglalasing. Walang araw na hindi niya nakitang umiinom ang Mommy niya. Kung pagbabawalan naman niya mauuwi lang ang lahat sa away at siya pa ang lalabas na masama. Ganyan na kakitid ang utak ng Mommy niya mula ng mawala ang Daddy niya. Iniintindi na lang niya ang ina dahil masakit at mahirap naman talagang mawalan ng mahal sa buhay. Siya nananatili siyang matatag dahil kailangan, dahil siya lang ang inaasahan ng pamilya nila.
Matapos makuha ang order niya binilisan na niya ang takbo ng kotse para makarating na agad sa bahay nang mapansin niyang tila may sumusunod sa kanya sa likuran niya.
Kunot noo niyang binantayan ang sasakyan na ngayon ay nasa likod na at wala ng ibang sasakyang pumapagitan sa kanila.
"Sinusundan ba niya ko?" Bulong niyang tanong at lumiko na dahil iyon ang daan papasok ng subdivision nila. Walang masyadong sasakyan roon.
Nagulat na lang siya nang mag overtake sa kanya ang itim na van at harangin ang sasakyan niya. Mabuti at nakapag preno siya agad bago pa man bumangga ang kotse niya.
"Damn! Ano ito!" Mura niya at bumisina ng malakas para umalis ang van sa harapan niya.
Isa-isang bumaba ang tatlong lalake mula sa van maliban sa driver. Lumakad ang mga ito sa sasakyan niya. Nataranta siya at naisipang i atras ang sasakyan para iwasan ang mga ito saka lang niya napansin na may isa pa palang van sa likuran niya at bumaba naman ang dalawang sakay mula roon.
"Damn it! Ano ito! Kidnapping!" Mariing saad niya habang nilalamon na siya ng takot.
Napapalibutan na ng mga lalake ang sasakyan niya. Hindi siya maka atras hindi rin siya makababa.
Napapitlag pa siya nang katukin na ang bintana mg driver seat at itutok ang baril roon. Natakot siya na kung hindi siya bababa ngayon papuputakan na siya ng mga ito.
Malinaw na kidnapping ito, at alam na niya ang dahilan. Pera! Perang naiwan ng Daddy niya sa kanila.
"Sh*t!" Mura niya at wala ng nagawa pa kaya binuksan na niya ang sasakyan.
"Baba!" Malakas na utos ng isang lalake habang nakatutok sa kanya ang baril.
Kinakabahan at takot na takot siyang bumaba ng sasakyan. Mabilis siyang hinila ng isa pang lalake at tinulak sa may likuran ng kanyang sasakyan para doon siya pasakayin. Sumakay naman ang isa pang lalake sa driver seat ng kotse niya na mukhang ito ang mag da-drive.
Sa likod ng kanyang kotse napapagitnaan siya ng dalawang lalake. Kaya wala siyang takas. Maliban pa doon may baril ang isa. Kung magtatangka siya tiyak na babarilin siya.
"Is this kidnapped for ransom?" She asked.
"Sabihin niyo magkano kailangan niyo. Ibibigay ko na ngayon din, pakawalan niyo lang ako," saad pa niya sa mga ito.
"Mabuti pa tumahimik ka na lang kung gusto mo pang mabuhay. Huwag mo kaming pahirapan sa trabahong ito. Napag utusan lang kame!" Litanya ng katabi niyang lalake na may hawak na baril.
"Sinong nag utos sa inyo?" She asked.
"Makikilala mo rin," tugon ng isa pa.
"Mahaba pa ang biyahe. Mabuti pa patulugin niyo muna si Miss," utos ng driver.
"What? Anong gagawin niyo sa akin?!" Takot niyang tanong at nagpumiglas siya.
Naglabas ng isang panyo ang katabi niyang lalake at tinakpan sa bibig at ilong niya. Ilang sandali lang nawalan na siya ng malay at hindi na alam ang nangyayari.