Chapter-9

1403 Words
"Bakit walang malay iyan?' Tanong niya nang makitang nakahiga si Celina sa likuran ng kotse nito na walang malay. "Hindi ba't sinabi ko na huwag niyo siyang sasaktan?" May galit sa kanyang tinig. "Nawalan lang po siya ng malay Boss sa pinaamoy sa kanya," tugon sa kanya ng isa sa mga bayaran na kidnapper. "Hindi po namin siya sinaktan Boss," saad pa ng mga ito sa kanya. Sinuri niyang maigi ang babae na nasa sasakyan. Mukhang wala naman itong anomang galos o ano pa man. "Bubuhatin na po ba namin siya sa papasok sa loob?" Tanong ng isa. "Huwag na ako na lang ang magbubuhat sa kanya," mabilis niyang tugon sa mga ito. "Iwanan niyo na lang siya diyan, ako na ang bahala sa kanya," saad pa niya at sinulyapan ang mga ito. Lumakad siya patungo sa kanyang sasakyan para ibigay na ang perang bayad sa iniutos niyang pag kidnapped kay Celina Tolentino. Alam niyang tama ang kanyang desisyon. Ito ang tanging paraan para matigil na ang kalokohan ni Pao at magising na rin sa katotohanan ang Ate Alexa niya na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa pag uwi ng asawa nitong wala namang kwenta at walang pakialam sa kapatid niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit kay Celina sa tuwing iniisip ang Ate Alexa niya. Kung bakit naman kasi hinayaan ng kapatid na masira nang dahil lamang sa isang katulad ni Pao. "Ito na ang kabuuang bayad ko. Tapos na tayo, hindi niyo ko kilala. Wala tayong naging ano mang pag-uusapan," mariing saad niya sa leader ng mga ito. "Masusunod Boss," tugon nito sa kanya at iniabot na niya ang brown envelope rito na may lamang pera. Malaking halaga rin ang binayad niya para sa pag kidnapped kay Celina. Wala siyang pakialam sa pera ang mahalaga sa kanya ay ang Ate Alexa niya. Wala na ang kanilang Papa sa tabi nila, kaya siya na lang ang lalaking magpo-protekta sa mga kapatid. Lahat gagawin niya para lang maprotektahan ang mga kapatid niya, kahit pa umabot ang lahat sa ganito. "Salamat Boss. Kung may iuutos pa po kayo tawagan niyo lang kame ulit. Malinis kaming magtrabaho,' saad pa ng leader sa kanya. Tumango na lang siya rito at pinaalis na rin ang mga ito. Pag-alis na pag-alis ng mga ito linapitan niya ang luxury car na pagmamay-ari ni Celina. "Galing ba ito kay Pao? Kung ganon malaki ang nakukupit ng walanghiyang iyon sa Ate ko para mabigyan niya ng ganitong kamahal na sasakyan ang babae nito," mariing saad niya habang sinusuri ang sasakyan. "P*tang ina mo Pao!" Mura pa niya at sinilip ang babae sa likod ng sasakyan na wala pa ring malay. "Sayang ka Celina. Kung ako sana ang una mong nakilala, hindi lang ganitong sasakyan ang ibibigay ko sa iyo," bulong niya habanh nakatitig sa maganda nitong mukha. Hindi niya masisisi si Pao kung makagawa ito ng kasalanan sa kapatid niya. Sobrang ganda kase ng babaing nasa harapan niyang walang malay. "Hindi na kayo magkikita pa muli ni Pao," bulong niya at kumilos na para buhatin ang babae at ipasok na sa loob ng bahay. May sarili siyang rest house sa Tagaytay na may dalawang palapag. Tatlong kwarto sa itaas at may isang entertainment room sa ibaba. Sadya din siyang nagpalagay ng malaking swimming pool sa may hardin. Kumpleto sa gamit ang bahay. Last year lang niya napatapos at sa tuwing nais niyang mapag isa at iwanan muna ang problema sa pamilya niya. May caretaker naman siyang tumitingin at naglilinis sa rest house. Sa ngayon hindi muna niya pinapunta ang mga caretaker dahil balak niyang dito itago si Celina hanggang sa malaman na niya kung ano ang gagawin sa babae. "Damn it!" Mura niya matapos pasanin ang babaeng walang malay sa balikat niya. Sinara ang pintuan ng kotse ang lumakad na papasok sa loob ng bahay. Hindi naman mabigat ang babaing pasan niya sa kanyang likod. Wala nga yata itong timbang sa sobrang kapayatan rin nito. Kung sa bagay ganyan naman karamihan ang mga babae na katawan ang puhunan. Kailangan sexy at maganda ang pangangatawan para maraming mabighani sa mga ito. Umakyat siya sa hagdan sa guest room kasi niya balak ikulong si Celina. Sa ngayon wala pa siyang idea sa kung ano ang gagawin niya sa babae. Ang pag kidnapped rito ang tanging naisip niyang unang hakbang para mailayo ito kay Pao. At kung ano ang kasunod patuloy pa rin niyang pinag-iisipan. Pasan ang walang malay na dalaga pumasok siya sa guest room. Dahil sa inis na kanyang nararamdaman sa babae walang ingat niya itong binagsak sa malambot na kama. Nag bounce pa nga ito. Inakala niyang magkakamalay na ito, pero hindi pa rin pala. "Damn you!" Mura niya sa babaing walang malay na nakahiga sa kama. Magulo ang buhok nito na nakasaboy sa kama pero napakaganda pa rin ng mukha nito. "May anghel na mukha pero demonyo ang ugali,' bulong niya habang hindi inaalis ang mga mata sa babae. "Sayang ka. Maganda ka pa naman. Iyon nga lang ginagamit mo ang ganda mo sa maling paraan. Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo ng kung ano ang tama at mali!' Litanya niya habang nakatingin sa babaeng walang malay. Habang nakatitig siya sa babae. Mas lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Mas lalo tuloy siya nanghihinayang rito. Kung sana siya ang una nitong nakilala at hindi ang Pao na iyon. Dahil wala pang malay ang babae lumabas na muna siya ng silid at bumaba. Nais niyang uminom para mamaya pag nagkaharap sila ng babae hindi siya madaling madala sa ganda nito para siya maging mabait rito. Pag kasi mabait siya rito sa simula pa lang eh gamitin nito ang charm nito sa kanya at mawala siya sa totoong dahilan kung bakit niya ito pinadukot. Habang umiinom tumunog ang cellphone niya. Ang bunsong kapatid niyang si April ang tumatawag sa kanya. Hindi na sana niya sasagutin dahil paniguradong problema lang ang sasabihin nito. Kasalukuyan pa nga niyang inaayos ang problema ng Ate Alexa niya. "Napatawag ka April?" Tanong niya sa kapatid. "Pinatawagan ka ni Mommy, gusto niyang dito ka mag breakfast bukas," saad ng kapatid sa kanya. "Busy ako bukas may out of town meeting ako. Pupunta na lang ako diyan pagbalik ko," tugon niya sa kapatid. "Kuya? May problema ba?" Tanong naman nito sa kanya. Marahil dahil ngayon lang siya tumanggi sa request ng Mama nila. "Wala, busy lang talaga ako sa trabaho," tugon niya. "Don't worry, Kuya, pagka graduate ko makakatulong na ako sa company," saad ng kapatid sa kanya. "Of course, April," tugon naman niya sa kapatid. Hindi naman ang katuwang sa company ang kailangan niya. Dahil nariyan naman ang Papa niya na katuwang pa rin niya sa company nila. Nais lang niya na maging independent na ang kanyang mga kapatid, para naman mabawasan ang kanyang obligasyon, lalo na sa bahay. "Ok, Kuya sasabihin ko na lang kay Mama na out of town ka. See you soon, Kuya," saad ng kapatid at nagpaalam na sila sa isat-isa. Nagbuga siya ng hangin matapos kausapin ang kapatid at tinuloy ang kanyang pag inom ng alak habang ang magandang babae sa guestroom ang nasa isip niya. Matapos ang tatlong shot ng hard drink, tumayo na siya para umakyat na at silipin ang babae sa guestroom kung may malay na ito. At kung wala pa rin gigisingin na niya ito. Hindi na niya maipagpapabukas pa ang muling paghaharap nila ng babae. Nais na niyang magharap na sila at maitaning na niya rito kung bakit ito pumatol sa lalaking may asawa na. Pagpasok sa loob ng guestroom wala pa ring malay ang babae. Kaya naman dinampot niya ang flowers vase na naroon na may tubig at lumapit sa may paanan ng kama habang nakatingin sa wala pa ring malay na babae. "Gising diyan!' Malakas niyang sabi sabay tapon ng tubig mula sa vase sa mismong mukha ng babae. Hindi naman siya nabigo nang gulat itong kumilos na tila nalunod pa sa tubig na tinapon niya sa mukha nito. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at tumili habang pinupunasan ang basa sa mukha nito gamit ang kamay lang nito. "Gumising ka diyan!' Mariing saad pa niya sa babae na panay punas sa basa na hindi pa simusulyap sa kinatatayuan niya. "What the hell?!" Hiyaw ng babae at nag angat na ito ng basang mukha sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya ang pagkagulat sa mga magagandang mata nito habang nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD