Nagulat siya at napamulat ng mga mata nang maramdaman ang tubig sa kanyang mukha. Pinunasan niya iyon gamit ang kanyang mga kamay.
Isang lalaki ang nakatayo sa dulo ng kamang kinahihigaan niya. Nakita niyang hawak ng lalake ang isang flower vase na wala namang laman. Marahil doon nanggaling ang tubig na bumasa sa kanya.
"Gumising ka diyan!" Tinig na kanyang narinig mula sa lalake.
Nag angat siya ng mga mata para tignan ang lalaking nagsalita na walang dudang dahilan kung bakit siya basang-basa ngayon. Napatitig siya ng husto sa mukha ng lalaking galit ang mga matang nakatingin sa kanya na para bang handa siya nitong saktan ano mang oras. Na para bang may malaking kasalanan siya rito.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mamukhaan ang lalaking nasa harapan niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon ay ang lalaking ilang araw ng nasa isip niya. Ang lalaking nakilala niya sa bar at mula noon gumulo na sa kanyang isip.
Hindi siya makapaniwala na ang lalaking ang tagal na niyang nais makita ay nakatayo na sa kanyang harapan ngayon at tila handanna siyang patayin nito ano mang oras ngayon.
"Nasaan ako.....?" Kabado niyang tanong sa lalake nang lingunin ang kapaligiran.
Nasa isang magandang silid siya at nasa isang malambot na kama. Nawalan siya ng malay kanina sa loob ng kanyang sasakyan matapos takpan ng panyo ang kanyang ilong at bibig ng mga taong sumunod sa kanya at dinukot siya.
"Bakit... Ako... Narito?' Kabadong tanong niya sa lalake. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Pero alam niyang na kidnapped siya at kung ano ang gusto ng lalaking ito sa kanya ay wala siyang idea.
Unang-una hindi ito mukhang kidnapper. Hindi ito mukhang masamang tao. Gwapo ito, malinis at napakalayo sa mga lalaking armadong dumukot sa kanya kanina. Isama pang maganda ang silid na kinaroroonan nila. Masasabi niyang nasa isang magandang bahay sila.
"Narito ka dahil-"
"Teka!" Pigil niya sa pagsasalita ng lalake at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.
Hindi siya nakagapos o ano pa man. Wala siyang sugat or anything. Nakabihis pa siya, kumpleto pa ang kanyang kasuotan. Ibig sabihin walang ginawang masama sa kanya ang lalaking kaharap. Wala siyang idea kung gaano siya katagal walang malay. Pero wala siyang kakaibang nararamdaman sa kanyang katawan.
"Niligtas mo ba ako sa mga kidnapper?' Tanong niya sa lalake.
Hindi ito kumibo sa kanya. Nakita niya ang pag kunot ng noo nito.
"I was kidnapped. Pero hindi ikaw ang kidnapper ko," she said habang nakatingin pa rin sa lalake.
Alam niyang hindi ito ang kidnapper niya. Hindi ito isa sa mga iyon. Hindi niya nakita ang gwapong mukha nito sa mga kumidnapped sa kanya kanina. Isamang pang ang tagal na niyang nais makitang muli ang gwapong mukha ng lalaking ito. At hindi siya makapaniwala na nakatayo na ito sa kanyang harapan. Alam niyang hindi siya nagkakamali lang. Ito ang lalaking nakilala niya sa bar si Akio Menendez. Kilala ng marami si Akio dahil sa kagwapuhan nito.
"You are my hero, right? You save me sa mga kidnapper ko while wala akong malay kanina,' saad niya sa lalake na walang kibo at basta lang nakatingin sa kanya.
Bumaba siya mula sa kama at lumapit sa lalake. Niyakap niya ito at sinandal ang kanyang ulo sa malapad nitong dibdib.
"Thank you for saving me," pasalamat niya sa lalake habang yakap-yakap pa rin ito.
Nagulat na lang siya nang mahigpit na hinawakan ng lalake ang magkabilang braso niya at pwersahan siya nitong ilayo rito.
Gulat siyang tumingala sa lalaking lalong bumalasik ang gwapong mukha. Bigla siyang nakaramdam ng takot rito. Napakunot ang kanyang noo. Nanlamig ang kanyang buong katawan. Hindi niya magawang bawiin ang kanyang brasong mahigpit nitong hawak na para bang sinasadya siya nitong saktan.
"Ikaw.....," she said. Naramdaman niyang kumabog ang kanyang dibdib. Nakaramdam siya ng takot bigla sa lalake at sa sitwasyon niya.
"Yes, it's me, Ms. Celina Tolentino," walang emosyong tugon nito sa kanya.
"You are the mastermind," she said na halos umabot lang sa kanyang pandinig.
"I am, Ms. Celina. I am the mastermind here. And you are so stupid to think na I am your hero. Na iniligtas kita sa mga kidnapper mo na ako mismo ang nag utos," saad ng lalake sa kanya sabay tulak sa kanya sa kama.
Napatili siya nang bumagsak siya pahiga sa kama at mabilis siyang bumangon naupo siya at umatras palayo sa lalaking nakatayo sa paanan ng kama. Sa takot niya sa lalake nagsumiksik siya sa headboard ng kama na tila ba kaya siyang protektahan ng headboard na iyon mula sa lalaking kaharap.
"Why? Why are you doing this?" ,Nakuha niyang itanong sa gitna ng takot sa lalake.
Hindi siya makapaniwala na ito ang mastermind sa pagpapakidnapped sa kanya. Bakit? Anong dahilan? Pera ba?
Kaya ba siya nito nilapitan noong gabing iyon sa bar ay dahil may masamang plano na ito sa kanya. Kilala siya nito. Alam nitong siya si Celina Tolentino. Marahil alam din nito na siya ang nagpapatakbo ng ilang negosyo ng pamilya niya. Malinaw na noong gabing nilapitan siya nito ay kilala na siya nito at may masama na talaga itong balak sa kanya. Kung ganon ang tanga niya para ma attract sa isang lalaking masama pala ang pagkatao. Napakatanga niya dahil hinayaan niya ang kanyang isip na isipin ang lalaking ito. Ninais pa naman niyang makita ito muli. Saklap lang sa kanilang muling pagkikita kidnapper pala niya ito.
"Is this about money? Pera ba? Kidnapped for ransom?" She asked.
"Malalaman mo rin Ms. Tolentino kung bakit ka narito sa silid na ito," tugon nito sa kanya.
"Say it now!" Matapang niyang sigaw sa lalake.
"Kaya mo ba ako nilapitan noong gabing iyon sa bar? Dahil ba dito ang paglapit mo sa akin?" Tanong niya rito.
"So, you remember me?" The man asked her.
"Yes, I remember you," she answered.
Naningkit ang mga mata ng lakake at sumampa ito sa kama. Nanlaki naman lalo ang kanyang mga mata at lalo pang siniksik ang sarili sa headboard.
"Huwag kang lumapit!" Hiyaw niya rito. Kahit gwapo ito masamang tao naman ito. Posibleng hindi lang siya ang nabiktima ng mga ito. Kung mayaman ito sa masama naman galing ang pera nito.
"Naalala mo pala ako Celina," saad nito sa kanya nang huminto sa malapit sa kinaroroonan niya. Napansin niyang Celina na lang ang tawag nito sa kanya at hindi na Ms. Tolentino. At ewan niya kung ano ang espesyal sa pag banggit nito sa pangalan niya. May kakaiba kasi siyang naramdaman nang banggitin nito ang pangalan niya.
Sadyang gwapo nga ang lalake, lalo na sa malapitan. Malinis ang mukha nito, walang ano mang bakas ng kasamahan. Paniguradong marami itong nalilinlang na babae, pagkatapos ginagawa nitong biktima. At isa na siya sa biktima nito ngayon.
"Sabihin mo na kung magkano! Ibibigay ko agad at pakawalan mo na ako!" Asik niya sa lalaking lalo pang linapit sa kanya ang mukha nito. Nasamyo niya ang amoy alak nitong mainit na hininga pero mabango pa rin iyon para sa kanya. Amoy na amoy din kasi niya ang mamahaling mens cologne nito.
"How much just to set me free!" Muli niyang asik sa lalake. Nais kasi niyang paglabanan ang atraksyon niya sa lalaking kaharap. Masyado itong gwapo lalo na sa malapitan at parang hulog na hulog siya sa karisma nito. Hindi siya sanay sa mga lalake kaya marahil madali sa kanya ang ma attract ng ganito.
"Naaalala mo ko hindi ba? So, do you know who I am?' The man asked her.
'Akio! Akio Menendez!" Taas mukhang tugon niya sa lalake. Mahirap naman kasing makalimutan ang pangalan nito. Kaya alam niya.
Nakita niyang ngumisi ang lalake sa kanya at hindi siya nakaiwas nang hawakan nito ang kanyang pisngi. Mahigpit nitong hinawakan iyon na sadya siyang sinasaktan talaga. Sinubukan niyang magpumiglas pero wala siyang nagawa.
"Yes, I am Akio Menendez. And Alexa Menendez Ramos is my big sister. Pao Ramos is my f*cking brother in law!" Mariing saad sa kanya ng lalake na puno ng galit. Habang lalong humigpit ang mga kamay nito sa kanyang pisngi.
Hindi naman niya kilala ang mga binanggit nitong pangalan. Ito lang naman ang kakilala niya wala ng iba.