"Ano natauhan ka na?! Alam mo na ngayon kung bakit ka narito?" Galit na tanong pa rin nito sa kanya at lalo pa nitong sinakmal ang kanyang mukha na para bang gusto na nitong lamutakin iyon gamit lang ang isang malaki nitong kamay. "Magsalita ka!" Asik pa nito sa kanya na kinapitlag niya. "Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong sa lalake na galit na galit. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Hindi niya kilala kung sino ang mga binanggit nito. At kung ano ba ang ginawa niya para ipa kidnapped siya nito. "Huwag ka ng mang maang-maangan pa Celina! Kilalang-kilala mo si Pao Ramos!" Sigaw nito sa kanya. Nilalamon na talaga siya ng takot, pero kailangan niyang labanan. Hindi siya pwedeng magpahalata rito na takot siya, baka mas lalo siya nitong takutin. Lalo na't wala n