Sinubukan niyang buksan ang pintuan sa may veranda pero naka lock din iyon. Naghanap siya ng pwede niyang daanan palabas ng silid, kaso wala. Wala naman kasing bintana, yari sa salamin ang nagsisilbing bintana at nang sumilip siya roon nakita niyang nasa itaas siya. Marahil dalawang palapag ang bahay na kinaroroonan niya. "Damn it!" Mura niya sabay sipa sa pintuan at muling kinalabog iyon para makuha ang atensyon ni Akio at pagbuksan naman siya nito. "Akio!' Sigaw niya sa may pintuan. Bukod sa nais pa niyang makausap ito para malinawan siya at malaman kung may kinalaman nga ang kapatid niya sa bagay na ito, eh nagugutom na rin siya. Hindi niya nakain ang binili niya kanina sa coffee shop. "Open the door! I need to talk to you!' Patuloy niyang sigaw sa may pintuan at patuloy pa rin ang