"Umuwi na po ba si Pamela?" Tanong niya sa kasambahay nang makauwi siya ng bahay galing sa trabaho. "Hindi pa po Ma'am Celina," tugon ng kasambahay sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga at nagkibit ng balikat. Hindi niya alam kung nasaan ngayon ang kapatid niya. Hindi pwedeng dito lang siya sa bahay habang pinagsasamantalaan ng lalaking iyon ang kapatid niya. Kailangan malaman niya kung saan ang condo ng talaga. Tiyak niyang naroon si Pamela sa condo na iyon para maiwasan siya. "Si Mommy, kumusta?" Kumusta niya sa ina. "Ganun pa rin po, nasa silid na po siya," tugon ng kasambahay sa kanya. Alam na niya ang ibig nitong sabihin. Ganun pa rin inom ng inom at nagkukulong. "Ipag aahin ko na po ba kayo?" Tanong ng kasambahay sa kanya. "Huwag na muna, aalis din ako," tugon niya at l