CHAPTER 47 Monina's P. O. V. Kinabukasan ay wala na naman sa tabi ko si Khayne. Late na rin akong nagising, hindi ko na matandaan ang nangyare kagabi, nakaramdam lang ako ng matinding antok kaya nakatulog ako kaagad. We we're supposed to make love but--s**t, I fell asleep. Napasapo ako sa noo ko nang maalalang pinaligo ko pa si Khayne dahil hindi kaaya-aya ang amoy nito. Pagtayo ko sa kama ay nakaramdam na naman akong muli ng pagsakit ng sikmura. Tumakbo ako sa banyo at maduwal-duwal ako roon. Nanlalata akong naghilamos at nagsipilyo. Pakiramdam ko ay inaantok pa rin ako pero kailangan kong kumain dahil nagugutom ako. Nanghihina akong nagtungo sa hapag-kainan. Nakita ko si Mama na naghahain habang si Papa ay nanonood ng TV. Bigla kong napagtanto na linggo ngayon. Pero baki