CHAPTER 48 Monina's P. O. V. Naging viral sa social media ang nangyareng proposal ni Khayne sa akin. Dahil doon ay napakadaming nag-message sa amin na professional photographers na gustong kumuha para sa prenup namin ni Khayne, lahat ng offer nila ay libre daw. "They are just doing a marketing, gagawin nila tayong head ng magazines nila, kaya libre," ani Khayne. Tumango ako. Binasa ko lang ang mga emails at wala na akong panahon para replayan sila isa-isa. "Mayroong binanggit sa akin si Noli na magaling sa photography, he sent me some of the samples, tignan mo, asawa," aniya sabay abot ng cellphone niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Ang gaganda ng mga kuha, sobrang detailed ng kulay, saktong-sakto lamang at hindi masakit sa mata. "Sige! Heto na lang 'yung ku