CHAPTER 45 Monina's P. O. V. Lumipas ang mga araw. Naging house wife ako dahil ayaw na ni Khayne na maglalalabas ako ng bahay lalo na at delikado raw. Hindi ko naman gusto na siya lang ang gumastos sa lahat pero dahil kaya naman daw niya akong buhayin ay pinabayaan ko na siya sa desisyon niya. Nagising ako at muli, pagdilat ng mga mata ko ay wala na si Khayne. Napakaaga niyang pumapasok sa trabaho. Nagpaalam pa siyang may business trip siya, kagabi nga lang ay nakatulog na ako sa paghihintay sa kaniya, tapos ngayon wala pa rin siya. Nag-text ako kay Khayne, hindi ako nag I love you. Nagtatampo na ako. Sana ay ginigising niya man lang ako para alam ko na nandito na pala siya o makausap ko man lang siya. Kapag kasi nasa opisina na siya, napakadalang niyang mag-reply. Ayoko naman