CHAPTER 44 Monina's P. O. V. Kinabukasan ay masaya akong makita sila Mama at Papa na naglilinis ng mansion nila Khayne. Pinapa-renovate ni Khayne ang bahay, ipinamigay niya lahat ng gamit ng magulang niya at ni Hariette dito sa bahay. "Gusto ko pong bumili kayo ng mga gamit na babagay para sa bahay," rinig kong sabi ni Khayne at binigay kay Mama ang card niya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad akong lumapit. "Bakit sila ang pipili? Bahay mo 'to," sabi ko. Nilingon ako ni Khayne at mahina siyang tumawa. "It doesn't matter, we're a family here. Wala rin naman akong alam sa magandang ayos o pwesto ng mga gamit sa bahay, if you want, you can go shopping with them," aniya. Napangiti ako. Bigla ko namang naalala ang pregnancy test na binili namin ni Mama kahapon.