CHAPTER 43 Monina's P. O. V. Isang linggo ang nakalipas, masaya kaming nanirahan ni Khayne dito sa Jolo kasama ang pamilyang Tuson. Habang nagpapaypay kami ni Khayne ng mga kahoy na gagamitin para sa pagluto ay biglang may mga yate na dumating. "Khayne..." kinakabahan kong sambit. Nabitawan ni Khayne ang karton na hawak niya at hinila ang kamay ko. Bago pa kami makatakbo ay biglang may nagsalita sa isang megaphone. "KHAYNE JALLORINA!" napatigil kami. "HUWAG KA NANG LUMAYO PA. NANDITO KAMI PARA SUNDUIN KA DAHIL NASA KULUNGAN ANG MAGULANG MO." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Nakita namin ang pagbaba ng mga sundalo sa Yate at mga men in black na mukhang galing sa kumpanya nila Khayne. Lumakad sila papalapit sa amin. "Naku! Layuan niyo sila Khayne dahil wala