CHAPTER 42 Khayne's P. O. V. Nagising na lamang ako nang biglang tumama ang yate sa isang malaking bato. Medyo madilim pa at pasikat pa lang ang araw kung kaya't hindi ako makakita ng maayos. "Asawa..." tawag ni Monina at umingit. Nilagyan ko siya ng kumot at hinalikan sa noo. Muli siyang nakatulog, naalimpungatan lang siya nang tumayo ako at nawala ako sa yakap niya. "Ano kaya 'yon?" bulong ko at lumabas ng cabin. Pagtingin ko sa paligid ay nasa pang-pang kami ng isang isla. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil baka mamaya ay mayroon na namang nag-aabang sa amin. Tumama na sa buhangin at bato ang yate namin. Ilang sandali lang ay nakakita ako ng isang maliit na bangkang papunta sa amin sa pang-pang. Mayroon silang hawak na sulo bilang ilaw. Tumabi sa yate nami