CHAPTER 33 Monina's P. O. V. Nakatingin ako kay Khayne na nanonood ng TV. Linggo ngayon kung kaya't wala siyang pasok sa trabaho. Mayroon nang bakal sa labas na galing hospital para sa training ni Khayne na maglakad mamaya. Nag-commercial kaya kinuha ni Khayne ang cellphone niya. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang crab na nasa palatastas. Bigla kong naalala na paborito ni Khayne ang crab lalo na kapag luto ni Mama. Bigla akong nakaisip ng plano. Agad akong nagtungo kay Manang sa kusina, nakita kong nagbabalat na siya ng sibuyas. "Manang, may alimango ba tayo?" tanong ko. Napatigil si Manang sa kaniyang ginagawa at tila ba nagulat sa tinanong ko. "Ha? Aanhin mo ang alimango, isda lang ang meron tayo dito," aniya. Napakamot ako sa ulo. "Ganoon ba?