CHAPTER 34 Monina's P. O. V. Ilang araw ang lumipas. Nakatitig ako sa sing sing ni Khayne. Gustong-gusto kong makitang suot niya itong muli ngunit hindi pwede, ibang wedding ring na ang suot niya. Ang sing sing nila ni Hariette. Napatigil ako nang makarinig ako ng malakas na kalabog. "AAAAAGGHHHRRR!" Sigaw ni Khayne. Nabitawan ko ang sing sing at dali-daling tumakbo palabas ng maid's quarter. "KHAYNE!" sigaw ko. Tumambad sa akin si Khayne na nakahiga sa gilid ng sofa. Maluha-luha akong lumapit sa kaniya. "Diyos ko! Khayne! Ano ba!?" inis kong sigaw at inakay siya. "S-sorry.." bulong niya. "Ano bang ginawa mo!? Paano kung napilayan ka na naman!" sambit ko. "Sinubukan kong lumakad mag-isa. I-I can't. I'm sorry, sumakit lang ang balakang ko