11:30pm
Hilik na hilik na ang buong bahay pero ang ang mga mata ko'y dilat na dilat pa rin.
Ano to? 7/11-- 24 hours ganun, express padala, magdamagan ganun?
Blanko naman ang isip ko, walang laman kaya paniguradong kalmado ang mga lumot ko sa utak. Ewan ko lang sa mga neurons ko-- masisipag yun eh.
Hanggang sa unti-unti na akong napapapikit nang biglang maalala ko ang sinabi ni David.
Parang pinaghalong panaginip at realidad. Napabalikwas ako sa higaan with feelings saka na pasandal sa pader with feelings at napasabunot sa sariling buhok with feelings.
Muli kong tinungo ang chat box ng Amino app at binasa lahat ng convo namin-- juice ko! Napangiti ako. Ibinaba ko ang cellphone saka nahiga-- pinilit kong pumikit.
He's just a 19-year-old-- dummy-- unreal-- unknown and inexistent. Kailangang di ako magpa carried away.
2:52 am
Hilik na hilik pa rin ang buong bahay maging si Manong Rexner na kapitbahay namin at si Manong Datoy na nasa kabilang bahay, ako nama'y dilat na dilat pa rin.
"He's just a 19-year-old F*ck boy so hold yourself, Insom-- bakit ko ba pinapanindigan ang pangalang ibinigay niya sakin."
I checked the Amino.
Para bang inaabangan kong magchachat siya.
4:05 am
Tulo laway na ang buong bahay, tulo laway na rin sina Manong Rexner at Datoy, tulo laway na rin si Manong Berting at si Manong Reny sa kabilang kanto, pero ako-- yung mata ko lumuluwa at parang naduduwal pa sa kakadilat.
Ako ata ang nagka-insomnia.
I checked Amino again-- no chat pero active na siya. Syempre umaga na dun sa kanila.
10:48 am
OMG!!!
Nagising ako, ibig sabihin nakatulog ako! Napasuklay ako sa sariling buhok saka pinunasan ang natuyong laway sa bibig at syempre, inamoy ko.
Nagising ako dahil narinig kong nagkakaraoke si Manong Rexner, paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Manong Datoy na naninigarilyo sa bakuran nila.
Walang hila-hilamos ay lumabas ako ng bahay upang bumili ng sabon sa tindahan ni Manong Reny sa kabilang kanto, naabutan ko pa si Manong Berting na taga kabilang kanto pa na bumibili ng bigas.
"Good morning Manong Reny at Manong Berting." bati ko.
"Oh, good morning Byul-- bakit ang laki ng eyebags mo?" tanong ni manong Berting.
"Matagal po akong nakatulog, eh kayo po ba-- bakit ang laki ng tiyan niyo po?" napabunghalit ng tawa si Manong Reny. Agad namang ginulo ni Manong Berting ang buhok ko saka nakitawa na rin.
"Matagal akong natunawan." tumatawa nitong sagot. Tumango lang ako saka iniabot ang pera kay Manong Reny.
"Yung sabon po na pang kutis Koreana." kumuha naman si manong, syempre kabisado niya na ang lagi kong binibili.
Dahan-dahan akong naglalakad, pini feel kong naglalakad ako sa isang ektaryang bulaklak yung parang nag a advertice ako ng Downy.
Nang bigla kong maalala si David.
Dali-dali akong tumakbo at tinungo ang kwarto.
Kinuha ko ang cellphone at di nga ako nagkamali nag chat si David bandang 4:07am. 2 minutes matapos akong makatulog.
DAVID
88th chat: "Good morning my Insomnia?"
Magrereply na sana ako ng:
INSOMNIA
"Mornin' David."
Nang biglang mawala ang lahat ng messages niya. Natigilan ako, nabitawan ko ang sabon pero hindi ang cellphone, syempre ang mahal ng cellphone.
May mga typo error at wrong spelling pa po-- sabi ko sa inyo dinugo ilong ko sa chat namin eh pero I survived!
"What the heck? Ni block niya ba ako?" bulalas ko saka nag mala-stalker ako at detective na tinungo ang profile niya.
Ang sabi nga nila, sometimes it is better to stand in the dark lalo na kapag brownout.
Jowkie-jowkie.
"Reality sucks!"
David got banned!
David is gone!
"Ano bang ni violate ng taong yun-- ang tanga!" napamura ako saka inis na ibinato ang phone sa kama. Pinulot ko ang sabon saka tinungo ang banyo.
Nasa banyo may naiisip ko pa rin ang karumal-dumal na sinapit ni David.
Oo, karumal-dumal yun, ang ma banned? Karumal-dumal yun!
I turned on the shower at unti-unti na akong nababasa ng tubig, wari'y ulan na bumabasa sa buo kong katawan. Sa pagpikit ko'y para akong naglalakad sa daan sa ilalim ng malakas na ulan.
♫Heto ako, basang-basa sa ulan. Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha. At ng mabawasan ang aking kalungkutan♫
Background music para may feelings-- sponsored by Manong Rexner and Karaoke family. Paglabas ko'y makailang beses ko pang inulit icheck ang chat box at ang profile niya pero wala talaga.
Isang araw-- isang linggo, isang linggo na ngayong wala siya. Di ko alam kung paano ako naging ganito ka apektado, sa katunaya'y narito lang ako sa kwarto, nagmumokmok habang nakatingin sa bakanteng chat box.
DI ka na ba babalik? Akala ko ba masaya kang kausap ako?
♫Adik Sa'yo
Awit sa akin
Nilang sawa na saking
Mga kuwentong marathon
Tungkol sa 'yo
At sa ligayang
Iyong hatid, sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw !
Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita ♫
Sponsored by our karaoke addict kapitbahay, manong Rexner.
Dahil sa malakas ang karaoke nila eh dinig na dinig ko ang bawat kataga-- tinatamaan ako. Tumayo ako saka nag-inat. Di ako papaapekto sa isang dummy lang-- sabi ko na nga ba...
Si David ay isang hangin lang na napadaan-- isang panandaliang kaligayahan.
Isang linggo na akong walang balita sa kanya kaya kalilimutan ko na siya. It takes one week to move on. Pabagsak akong nahiga sa kama saka muling sinulyapan ang cellphone.
June 16. 2018 at 4:15pm eksatong ika-isang linggo mula nang makilala ko si David. I'll make sure na pagka gising ko'y nakamove on na ako.
"Goodbye, my fleeting David-- Insomnia, signing off!"