Nagising ako sa isang katok. Pagtingin ko sa oras...
4:30 pm
15 minutes pa nga lang akong natutulog. Ano to?
15 minutes to move on? Ganun?
Muli kong ipinikit ang mga mata pero napadilat ako bigla nang halos kalampagin na nito ang pinto. Naalala ko bigla ang balita nung nakaraang araw na tinokhang ang kabilang subdivision at usap-usapan na kami ang isusunod.
Napa inhale-exhale ako.
Patuloy sa kakakalampag ng pinto ang kung sino mang nasa labas.
"Hindi po ako nagda drugs! Malinis po akong tao-- broken hearted lang ako at walang boyfriend for 7 years pero di ko po magagawang sirain ang buhay ko. Say no to drugs!" sigaw ko pero mas lalo pa nitong kinalampag ang pinto.
"Bakit ba? Hindi nga ako nag babaygon, nagkakatol, hindi rin ako tumitira ng surf o joy o kahit chlorine man lang-- drugs pa kaya?" sigaw ko saka ako nagtago sa ilalim ng mesa.
Napapikit ako nang halos umuga na ang pinto. Mahirap talaga silang kombinsihin, kelangan talaga nilang makita para man lang maniwala. Ano bang ikinakatakot ko kung wala naman silang mahahanap--
Napasinghap ako nang maalala ang rugby na nasa kwarto ko.
"Manong pulis, papapasukin ko po kayo pero FYI lang may rugby dito pero di ko po tinitira, nagma mask pa nga ako kapag nag-aaply sa sapatos eh!" sigaw ko ulit.
"Byul ano ba?!" pinanlakihan ako ng mata.
"Mama?" dali-dali kong tinungo ang pinto at binuksan.
"Mama! Akala ko po tinutokhang na ako!" agad ko 'tong niyakap pero itinulak niya naman ako kaagad.
"Sabi ko sayo wag kang nagsa shabu." malamig nitong turan.
"Ma nama--" natigilan ako nang makita ang lalaking nakatayo sa loob ng bakuran namin.
Kurap mata
Magaling ako kumilatis ng magiging Oppa eh, nasa 5'9" 'to at juice ko naman-- galit na galit ang panga at Adam's apple nito.
Inhale
Lunok laway
Turned on.
Sobrang turned on!
"Ah, Byul anak." Nakangiting turan ni mama saka hinila ang lalaki papunta sa akin.
"Ma, ano to? May kapatid ako sa labas-- akala ko ako lang? Paano mo 'to nagawa sa akin ma? At sa-- at sa isang koreano pa, di ko alam na maka kpop ka rin pala?" isang malakas na sampal ang natanggap ko.
"Ahw, masakit ba nak?" tanong ni mama matapos akong sampalin saka niya hinimas ang pisngi ko.
"Natural ma, sinampal mo eh."
"Kaya nga umayos ka."
"Hindi ko siya anak."
"Eh ano mo siya?"
"Byul, meet David ang anak ng mapapangasawa ng tita mo." at mala kdrama akong dahan-dahan na nag-angat ng tingin at nagkasalubungan kami ng tingin ni David habang nagpi play sa background ang Goblin OST.
Tinitigan lang ako nito saka niya inihulog ang sigarilyo at inapakan dahilan upang mamatay ang apoy.
"Ma, anong mapapangasawa-- at kelan pa nagsabi si tita Ana na ikakasal siya?" bulalas ko.
"Sabi ko na nga ba, di ka talaga nakikinig sa akin. palibhasa nung sinabi ko sayo na ikakasal na ang tita mo sa isang US citizen eh lutang ka." untag nito.
"US citizen? Eh ma-- koreano yan, paanong naging US citizen ang tatay niyan?" sabi ko saka inakbayan si mama.
"Bakit? Di ba pwedeng maging US citizen ang isang korean? Ikaw nga Filipina pero feeling Korean."
"Ouch ma-- ang sakit mong magsalita. Walang ganyanan, below the belt na yan."
"O siya, iiwan ko muna sayo ang Step-cousin mo."
"Anong iiwan ma?!" untag ko.
"Alangan naman saan ko patitirahin si David? Byul, 19 years old pa lang siya at bago sa Pilipinas."
Oh, so 19 years old pa pala 'to?
Major-major turned off!
"Ah, so magiging baby sitter ako?" tatapunan ko lang naman sana ng panandaliang tingin si Davidd pero nahuli kong nanliliit ang mga mata nito nang sabihin ko ang salitang baby sit.
"Byul, baka ikaw nga ang i-baby sit kasi isip bata ka." bulong ni mama.
"Oh siya, alis na ako Byul." sabi ni mama sakin.
"David, aunty will leave you here. This house is yours too so suit yourself. If there is anything you need, Byul will take care of it." nakangiting turan ni mama dito.
"EVERYTHING I NEED-- right Aunty?" pag-uulit at pagbibigay diin nito.
"Yes, David-- everything." sagot ni mama.
"Thanks Aunty." matamis na ngiti ni David saka humalik sa pisngi ni mama.
"No worries." anang mama saka tinapik ang balikat nito at umalis.
Naiwan kaming dalawang nakatayo sa harap ng bahay, natu turn off talaga ako kapag bata pa sa akin ang lalaki kahit gaano pa 'to kagwapo.
"Hey." napatingin ako dito nang magsalita siya.
Uwaaah, dahil sa "Hey" ay naalala ko si Dav-- wait?
"Ano ngang pangalan mo?"
"Pardon please?" tama, di pala 'to nakakaintindi ng tagalog.
"What's your name?"
"David." maikli nitong tugon. David, at 19 years old din siya-- oh noes!
"Ahm, have you tried the Amino app?" tanong ko habang inilalagay ang kamay sa likuran.
"Amino app? What is it and why are you asking me about that?" sabi ko nga, hindi siya yun. Imposible namang maging siya yun. Ano 'to, Kdrama?
"Nah nothing-- nevermind." napabuntong hininga ako saka naunang pumasok. Sumunod ito habang dala-dala ang maleta. Nilibot nito ng tingin ang buong bahay.
Dumiretso ako sa bakanteng kwarto na nasa tabi ng kwarto ko upang ihatid siya dun. Binukasan ko ang kwarto at pumasok.
"So, David-- this will be your ro--" natigilan ako nang paglingon ko'y wala ito. Lumabas ako at nakita ko tong nakatayo sa loob ng kwarto ko habang nakatingin sa maliit kong opisina kung nasaan ang laptop ko. Nililibot nito nang tingin ang buong silid saka niya isa-isang tiningnan ang mga notes na ipinaskil ko.
Napatingin siya sa mga nagkalat na manga, poster ng mga anime at mga nakapaskil na poster ng BTS. Dinampot nito ang cellphone kong nasa mesa saka ngumiti.
Inaakala niya sigurong dito ang kwarto niya.
"Hey." untag ko at napalingon naman 'to.
"You-- you get out there and go over there." malamig kong turan habang nakahalukipkip, saka ko itinuro ang kabilang silid.
"That's my room, okay?" pagbibigay diin ko saka itinuro ang nakapaskil sa pinto.
An ARMY , OTAKU and one hell of a WRITER inside.
Keep out-- it's deadly.
"You're indeed deadly." aniya kaya ako napatingala dito.
"So keep out, okay?" he smirked saka siya yumuko at inilapit ang mukha sa mukha ko.
"If you want someone to keep out, don't draw too much attention-- you'll be in trouble." aniya habang titig na titig sa mga mata ko.
Oh, ano daw? If I want someone I have to draw it? Ulol, di nga ako marunong mag drawing.
"Ah come again?" nakangiting aso kong turan. Di ko naman na catch ang bilis niyang magsalita.
"I'm hungry." nakangiti nitong turan saka ako nilagpasan at pumasok sa kabilang kwarto.
Papunta na sana ako ng kusina nang may marealize ako.
Inutusan ako-- ako na 23 years old ay inutusan ng isang 19 years old, wat da!
Dali-dali ko 'tong inakyat saka kinatok na agad niya namang binuksan.
"Aunty told me, that you will take care of everything for me." bungad agad nito na ikinatigil ko. Di ako nakasagot, ang hirap kayang makipagbakbakan ng bungangaan in english-- kaya natalo ako nang di lumalaban.
"Okay, dinner will be served at 6 pm-- you should be at the table by that time." Phew, ilang minuto kong ni construct sa isip ko ang sentence na yun.
Tahimik kaming kumakain ng magkaharap. Sinusulyapan ko lang 'to ng palihim, nawala talaga ang attraction ko dito nang malaman kong 19 pa siya.
"Hey David, are you sure that you're still 19 years old?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Yeah, why?" pabalik nitong tanong.
"Ahm, cause you know-- you're so tall and you look like somewhat older than your age, like ahm-- 26 years old?" sabi ko saka sumubo.
"Do you want me to be older than you?" natigilan ako sa tinuran nito.
"Eat well, hehe." pag-iiba ko sa usapan.
"What about you-- how old are you?" tanong nito.
"23." maikli kong tugon.
"Are you sure about that?" tanong nito bago sumubo.
"Why, what about my age?" taas kilay kong turan.
"Your age doesn't suit you. You know you're so small, you're at my chest level and you look like 5." naibuga ko ang kinakain dahil sa sinabi nito. Ibinabalik ng totoy sakin ang mga sinabi ko ah, maibalik nga rin ang sinabi niya-- tingnan natin kong di ka mahiya.
"Do you want me to be younger than you?" tanong ko sa malambot na boses saka siya malamlam na tinitigan habang itinutukod ang kanang kamay sa baba.
"It would be a lot cuter if you're younger than me but as I've witnessed you're already cute given that size, what's more, if you happen to be younger than me-- you might be my baby. May it be a 10 year gap, 15 or 20-- I don't mind at all. You know, age is just a number, it doesn't define maturity." casual nitong sagot saka muling sumubo. Napalunok ako.
Haba ng litanya niya ah. Naalala kong sinabi rin sakin ni David na; Age is just a number, it doesn't define maturity-- kasabihan na talaga siguro yun ng mga 19 years old na nag aala mature.