NAKAHIGA na sa kama si Janna saka niya naisip maigi ang mga sinabi ni Jin tungkol sa kumpanya nito sa Florida. At napagtanto niya kung ano ba ang ibig sabihin ng binata, na malaking tulong dito ang pagpapakasal. It means marrying her has excellent benefits for him. Napaupo siya nang may maisip. Kaya ba walang alinlangan si Jin na alukin siya ng kasal? Dahil may ibang benefits pa itong makukuha? Pero hindi naman pangmatagalan ang kasal, eh. Natutop niya ang kaniyang noo nang maisip na baka gusto rin ni Jin ng anak. Siyempre wala nang mangahas na agawan ng puwesto si Jin kung alam ng mga gahaman sa negosyo na may anak itong magmamana. “Tsk! Ano ba itong iniisip ko? Makatulog na nga lang,” usal niya saka muling humiga. Pero kahit antok na siya’y sumisiksik pa rin sa kukoti niya ang mga nai