NAUNA pa ang tawag ni Jin kay Janna kaysa alarm niya. Lunch break na pero hindi pa siya tapos sa pag-aayos ng papeles. Hindi niya sinagot ang tawag ni Jin. Hinintay niya na magsilabasan ang ibang staff nang walang umabala sa kaniya o sumunod para lang nakawan ng litrato. Mga ipokrita. Nang muling tumawag si Jin ay sinagot na niya ito. “I’m coming,” sabi niya at ibinaba rin kaagad ang cellphone. Kinuha na niya ang kaniyang bag saka lumabas. Ang tagal pang bumaba ng elevator kaya sa hagdan na siya dumaan. Lakad-takbo ang ginawa niya. Ngunit nang nasa hagdan na siya ng fourth flour ay ramdam niya na may nakasunod sa kaniya. Iniwan naman niya ang dalawang bodyguard sa labas ng HR office, katulad ng palagi niyang ginagawa. Hindi siya mapakali. Binilisan niya ang pagtakbo hanggang makarating