Chapter 66

2132 Words

HULING nakalabas ng workplace si Janna dahil nakaidlip siya pagkatapos ng duty. Ginising lang siya ng tawag ni Aster sa cellphone. Dinampot niya ang kaniyang bag at sinagot ang tawag ni Aster. “Nasa opisina ka ba ni Jin?” tanong nito. “Uh, no. Palabas na ako ng HR department,” aniya, nagmamadali. “What? Kanina pa tapos ang office hour, ah. Narito ako sa labas ng opisina ni Jin, wala namang tao.” “Umalis si Jin. Baka mamayang gabi pa siya uuwi.” Lumulan na siya sa elevator kasunod ng dalawang bodyguard. “Gosh! Sobrang busy ko last day at hindi kita nakumusta. May eskandalo na palang nangyayari.” “Anong eskandalo?” Mariing kumunot ang noo niya. “Hindi ka pa ba aware?” “Saan?” “May kumalat na litrato mo at ni Jin sa kahit saang department. Nagulat nga ako bakit lumitaw sa screen n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD