NO choice si Janna kundi sundin si Jin. Nagpaalam na siya kay Robert na last day na niya iyon sa HR department. Pero kahit aalis na’y hindi pa rin siya tinantanan ng intriga. Desperada na si Alice na pilitin siyang pakiusapan si Jin na bawiin ang pasya nitong magtanggal ng staff sa HR. Samantalang pansin niya na matamlay si Marlene nang magkasabay sila sa opisina ng manager. Kinausap din ito ni Robert. “May problema ba, Marlene?” tanong ni Robert. Magkatabi lang sila ni Marlene sa sofa. “I can’t promise to accept the position, sir. I think I didn’t deserve to become the next manager. Baka puwedeng huwag na lang tanggalin si Alice. Let’s give her another chance,” ani ni Marlene. “I’m not the boss here, Marlene. Sir Jin already decided, and I have nothing to do to chance his mind.” Nap