KARARATING lang ng Pilipinas ay dumiretso si Janna sa kaniyang hardin sa mansiyon. Nakatulog naman siya nang maayos sa biyahe kaya hinayaan niya ang asawa na matulog ulit. Alas-singko ng umaga sila nakarating ng Pilipinas. Napuno ng halaman ang dalawang malalaking kahon. Pinalipat kaagad niya ang mga ito sa pot. Marami pa naman siyang ekstrang pots at nagpabili na siya ng mountain soil at fertilizers. Kailangan maitanim na niya lahat ng cuttings at seeds dahil mapapasabak siya sa busy na trabaho. Hindi puwedeng magmukmok siya gayung maraming problemang kinakaharap ang kaniyang asawa. Ayaw niyang makadagdag sa problema nito. Lunes ng umaga, inagahan ni Janna ang pagpasok sa opisina dahil wala si Jin. Maaga itong umalis at nagtungong Cebu para sa kaso umanong hawak nito na may kinalaman sa