NAKATULOG si Janna sa sofa ng VIP living room. Nagising lang siya nang may mainit na kamay na humaplos sa kaniyang pisngi. “We need to go,” si Jin. Napaupo siya at nanghihina. Wala siyang maayos na tulog noong bumiyahe sila at walang pahinga pagdating. Isinama siya roon ni Jin sa kompanya dahil ayaw niyang magpaiwan sa mansiyon nito. Inayos niya ang kaniyang buhok saka isinukbit ang bag sa balikat. Kumapit siya sa kanang braso ni Jin at sabay na silang lumabas. Nakaabang na ang kotse sa parking lot sa may rooftop. “Saan na tayo pupunta?” walang siglang tanong niya sa asawa nang lulan na sila ng kotse, sa may backseat. “We will proceed to New York,” tugon ni Jin. “Hindi na ba tayo matutulog sa bahay mo?” “No. Kukunin lang natin ang gamit. Kailangan matapos ko kaagad lahat ng transac